Monday, September 8, 2008

Jervin Camangga



Maaaring maputol ang sangang pinanghahawakan, maaaring ang mga daang nilandas. Subalit nagkamali man natuto tayong bumangon. Nabulag man, nasisilayang muli ang liwanag. Maraming "sana". Maraming "siguro". Iisa ang panghahawakan natin dito! Panibagong pag-asa!


Sa Gitna ng Problema

BY: Jervin Camanga

Pasado alas-singko na ng hapon ng dumating ako sa aking boarding house. Kumatok ako sa pinto at may nagbukas sa akin na isang babae. Siya pala ang may ari ng bahay, sinamahan nya ako upang ituro ang aking magiging silid. Sa paglalakad ko ay agad kong napansin ang mga bago kong boardmates sa aking dinadaan.Nakatingin silang lahat sa akin na para bang isa akong artista na dumaan sa kanilang harapan.

"Hi" ang bati sa akin ng isa.

Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon at nasabi ko sa aking isip na hindi lang pala puro lalaki ang nagboboard dito dahil napuna ko ito kaagad ng magsalita siya. Sa bandang dulo ay natunghayan ko ang aking magiging kwarto. Maliit lang siya ngunit nasasabi ko na sapat na ito para sa akin. Habang nag-aayos ako ng aking gamit ay may pumasok at nagpakilalang Ryan. Siya pala yung nag "hi" sa'kin at hindi lang pala isa kundi tatlo silang gay sa aming boarding house, at hinihingi yung cel. no. ko dahil crush daw ako nung isa(syempre medyo na flattered ako,) nasabi ko na lang sa aking sarili na malakas talaga ang appeal ko sa mga bading. Nagpatawag si Tita(ung may-ari ng bahay) ng isang pagpupulong tungkol sa mga alituntunin at regulasyon sa bahay. Nagkaroon din kami ng pagpapakilala sa bawat isa at dahil napagod ako sa byahe maagap akong nakatulog matapos magkwentuhan.

Nagising ako ng maaga dahil sa sobrang excited ako sa unang araw ng pasukan, nagtaka kasi ako sa taong naliligo na eh mag-aalas-kwatro pa lang ng madaling araw(si kuya! masyadong excited). Pagkatapos kung kumain ay naligo na rin ako at naramdaman ko na wala ako sa bayan ko dahil sa sobrang lamig ng tubig. Maagap akong pumasok upang malaman ko kung saan yung gagamitin naming room. Konti pa lang yung mga estudyante na nakikita ko sa gate dahil nga medyo maagap pa nun. Hindi ko pa masabi kung 1st year nga ung mga nakikita kong estudyante pero sa kilos nila ay mukhang bago pa sila sa unibersidad dahil para silang mga ibon na sabik sa kalayaan.At ngayon nga ay matitikman na nila ang nararanasan ko ngayon, ang pagiging malaya. Malayo sa kanilang mga magulang at maari na nilang gawin anuman ang kanilang naisin. Naalala ko tuloy nung 1st year pa ko, madami akong nagawa ng hindi manlang nalaman ng aking mga magulang.

Sa pagpasok ko sa college of engineering ay hinanap ko ang aming magiging silid at hindi naman ako nahirapan dahil halos pamilyar na ako sa mga rooms. Nakita ko agad ang aking mga barkada at kakaklase. Syempre sabik ang bawat isa na magkausap kaya isang maingay na umaga ang gumising sa buong college of engineering. Halos maghapon kaming walang klase dahil hindi pumasok ang aming mga instructor (nagbabakasyon pa siguro). Syempre, sobrang namis nila ako kaya nag-akit sila na maglaro ng aming paboritong computer games. Kaya pumunta kami sa aming paboritong tambayan. Ang "gateway" kung san madalas kaming abutin ng hating-gabi. Wala pa rin pala akong kupas dahil ako ang laging nagwawagi.

"Asa ka talaga sa takbuhan soulja" wika ni Jaja na binansagan na bonus dahil sa pagiging weak sa paglalaro.

"malakas lang hero mo ngayon" tugon naman ni Soulja na my halong pangungutya kay Jaja. "bonus ka lang talaga ngayon"sagot nito.

"tigil na at baka magkapikunan pa kayo" ang sambit ko sa dalawa.

"oo nga naman tama si Niv, eh pareho naman kayung bonus"ang gatong pa ni Yuiopc.

"tapusin na natin Niv baka lumakas pa sila" sabi ni Chano.

"yahooooo. asaaaaaaaaa........ mga weak talaga kayu!"sabay-sabay naming sigaw

Hanggang sa natapos ko ang aking araw sa paglalaro ng computer games. Ang paglalarong ito ay nasundan pa ng ilang ulit. At halos sa tuwing vacant namin ay ito lagi ang aking ginagawa, bagamat medyo magastos ay di ko ito inalintana dahil tuloy lang sa pagpapadala ang aking mga magulang. Habang tumatagal ay lalo akong naaadik sa game na to. Kaya minsan ay di maiwasang mahuli kami sa mga subjects namin lalo na kung isang oras lang ang vacant.At kung minsan ay wala sa tamang oras ang aming pagkain.

Makalipas ang isang linggo ay naging regular na ang klase namin. Unti-unti kong nararamdaman ang pagiging estudyante dahil nagkakaron na ako ngayon ng responsibilidad. Dahil bago pa lang kaya medyo nakakasabay pa ako sa mga itinuturo sa amin, hindi naman talaga mahirap kung mag-aaral ka ng mabuti. Pero mahirap talaga kapag hindi ka sanay na puro aral, baka kasi mabaliw ka. Kaya balanse lang dapat.

Nagdaan pa ang ilang araw at linggo ay unti-unti ng humihirap ang aming aralin. Lalo na sa aking major subjects. Ganun pa man ay hindi ko kinakalimutan ang aking libangan na nag papasaya sa akin. Halos nakakalimutan ko ang aking mga problema kapag naglalaro ako kasama ng aking mga kaibigan. Masaya rin naman sila kahit minsan ay natatalo. At konting panahon na lang ay nalalapit na ang takdang araw na magbabago sa takbo ng aking buhay. Talaga namang pinaghandaan ko iyon ng maagi nang sa ganun ay makakuha naman ako ng mataas na grades.

At dumating na nga ang araw ng aming prelim exam. Naging madali naman ang lahat sa akin at halos maperfect ko maliban sa isa at ito pa naman ang aking major subject. Ang Integral Calculus. Na kahit di ko pa nalalaman ang resulta ng exam ay alam kong babagsak ako. Medyo nalungkot ako nung araw na iyon, ngunit sinabi ko sa sarili ko na babawi na lang ako sa susunod na term. Pagkatapos ng exam ay pumunta kami sa tambayan at doon naglabas ng sama ng loob.

Matagal na rin akong di nakakauwi sa aming bayan, kaya nagpasya akong umuwi sa amin dahil weekends at wala na akong perang panggastos. Bago ako umalis ay inayos ko muna ang aking mga gamit na dadalhin. Nagpaalam ako kay Tita at hinabilin ko sa aking boardmate ang mga naiwang gamit.

"Nay nandito na po ako" bungad ko sa aking nanay at saka inabot ang kanyang kamay upang magmano.

"Narito ka na pala, san ka sumakay?"

"Nagbus po ako dahil maya pa daw ang alis ni tatay"

"kumain ka na ba?"

"tapos na po"

Hindi naman talaga ako ganun kagalang dati, marahil ay mabibilang mo kung ilang beses lang ako magmano, ngunit nasanay na ako sa tuwing dadalaw ako sa girlfriend ko na si Gian ay nagbe-bless ako sa mommy at daddy nya(syempre kailangan ko magpalakas). Wala akong ibang ginawa sa amin kundi maglayas at mag-uli kasama ng barkada dahil namis ko sila. Hindi ko man lang inisip kung may ibibigay pa ang aking mga magulang sa aking pag-alis. At ganun nga ang nangyari hindi kumpleto ang ibinigay nilang pera sa akin. Bagama't kulang ay napilitan pa rin akong umalis at nagpasalamat ako dahil may ibinibigay pa sila sa akin. Lagi kasing mahina ang byahe ng aking tatay at hindi ito sapat para sa amin.

Pumasok ako nang Lunes na may problemang iniisip ngunit hindi ko iti pinapahalata sa aking mga kaklase at kaibigan. Nakakasama pa nila ako sa paglalaro ng computer games ngunit limitado lang ang aking oras at pera. At dahil nga sa enjoy sila kapag kalaro ako ay pinapautang nila ako. Dahil dito ay unti-unti kong nakakalimutan ang aking problema.

At sa mga sumunod na araw nagkaroon kami ng mga bayarin para sa mga proyekto na lalo pang nagpagipit sa akin. Hindi ko na tuloy malaman kung san kukuha ng pera. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip kong gawin para magkapera. Naglalaro sa isipan ko na maging bayaran kaya ako kahit isang gabi lang, marami namang bading dyan na nagkakandarapa sa akin. Pero ni minsan ay di ko ito ginawa dahil alam kong ito ay mali. Nagtipid na lang ako sa pagkain at kung minsan ay panood-nood na lang ng mga naglalaro ng DOTA. Pinahihiram na lang muna nila ako ng perang pambayad sa mga projects at mga reports kaya natapos ko lahat ng requirements. Maging sa renta ng bahay ay nangungutang ako upang hindi mapalayas. Ngunit minsan ay wala din silang pera kaya nagtitiis na lang akong mamura.

Dahil sa kanila ay nagkaron ako ng lakas ng loob na tapusin ang 1st sem na walang bagsak. Dahil sa kanila ay nagpakatatag ako. Dito ko napatunayan kung sino ang mga tunay na kaibigan, na hindi lang puro sa kasiyahan maging sa gitna ng problema ay nariyan sila upang tulungan ka.

Sa ngayon ay nagpasya muna akong huminto sa pag-aaral, dahil may malaking oportunidad na naghihintay sa akin sa Maynila. Isinama ako ng aking Tito para magbantay ng kanyang canteen sa foodcourt sa isang mall. Masaya ako ngayon sa aking ginagawa na may halong pagsisisi at panghihinayang sa panahon at pera na sinayang ko nung ako'y nag-aaral pa.

WAKAS

No comments: