Monday, September 8, 2008

Cielo Serrano

Ang Huling Tag-araw

Ni abrilquinse

"Alay ko sa'yo… bunga ng hinagpis ng isang malamig na tag-araw dahil wala ka…"

"Naku, h'wag kang umasa na matandaan pa nya un."

Malinaw pa sa pandinig ko ang mga salitang yun ng pinsan ko. Akala ba naman nila makakalimutan ko yun agad. Para bilin lang na pasalubong ng pamangkin ko bago ako sumakay sa bus. Hindi naman ako ganun makakalimutin.

Kung sa bagay,wala daw ako sa sarili nitong mga huling araw.

"Kasi naman, Abril na naman." , ang narinig kong ibinubulong nila.

Syanga naman, Abril na naman. Kasagsagan ng init ng araw, mainit pati hangin dito sa bintana ng bus. Pero hindi ko naman halos maramdaman, kasi ang totoo wala dito sa byahe ang isip ko.

"ma'am, gitnang bayan po ba?" Nagulat naman ako. Iyon ang konduktor ,sabay abot sa akin ng tiket sa bus.

Magdadalawang taon na rin, naaalala ko pa kung pano ako batuk- batukan ng bespren ko tuwing makakatulog ako sa byahe habang nagkukuwento sya. Nakakapangiti kung iisipin ko bawat kakatuwang kwentuhan namin. Sayang nga lang.

"Para po!" muntik na akong lumagpas sa pupuntahan ko.

"..si ate Helen!!.." ang malakas na tawag sa akin ng batang si Andrea. Hindi ko inaasahang ganito ang makikita ko pagkabalik ko dito. Parang ang daming nagbago, pati ang dating ilog na languyan namin ni Noah, parang ibang-iba na rin.

"Bakit ngayon ka lang, Hija?"ang tanong sa akin ni Tita Hilda, ang ina ni Andrea, na ina rin ng aking pinakamatalik na kaibigan na si Noah.

Si Noah, ang bestfriend ko simula pa ng mabuo ang daigdig. Madami na kaming pingdaanan nun. Halos wala na kaming itinatago sa isa't- isa. Bata pa lang kami ay kami na ang laging magkasama, hindi lang dahil sa magkapitbahay kami sa bayan, kundi dahil malalapit sa isa't-isa ang aming mga magulang.

Mula elementary,magkaklase kami. Tandang- tanda ko pa, nakipag-away siya sa mga batang kaklase namin noon dahil sa natapunan ng tsokolate ang uniporme ko. Hay si Noah. Ang tagapagligtas, tagapagpangiti, at tagapag-paiyak ko.

Sa aming dalawang magkaibigan, mayroon kaming tinatawag na golden rules. Bawal ang sikreto at ang problema ng isa ay problema ng lahat. Para sa amin, ang pagkawala ng isa ay katulad ng isang gold fish na inilagay sa ilog, kahit gaano ito kaganda, ay mananatili pa ring isang 'ligaw'. Hindi ko maisip kung papaano ang buhay kung wala si Noah. Sa ilog sa tabi ng bahay nila, dun kami laging tumatambay tuwing walang klase nung high school. Hay, ang saya nga naman nu'n. Yun nga lang palagi akong pinapagalitan ni nanay, teacher kasi sya doon sa eskwelahan na malapit sa aming bahay. Palagi n'ya akong sinasabihan ng "kung iyong itinatagal mo d'yan ay iniuuwi mo sa bahay para may kasama ang ama mo…" Hindi naman sya nagagalit sa akin sa tuwing sinansabi niya iyon, yun nga lang, tama talaga siya doon. Paralitiko na kasi ang tatay, nagkasakit s'ya noon at permanenteng na-imbalido. Inhinyero-sibil siya noon at masasabi kong napakagaling niya sa kanyang larangan. Sayang nga lamang, doon na natapos ang kanyang katanyagan. Dati pa siyang naglilingkod sa aming pamahalaang lokal. Naalala ko tuloy bigla ang lahat.

"Pasensya na po, medyo may inasikaso po kasi ako bago lumuwas."ang nakangiti kong sagot kay Tita Hilda. Kahit pa gaano siya kaganda, nananatiling may bakas ng kalungkutan ang kanyang mukha. Parang ako.., kay tagal ng lumipas pero hindi pa rin makalimot.

"…gan'on ba? Magdadalawang taon na rin ano..? Matagal na rin pero kami dito ay hindi pa rin matanggap ang nangyari. Abril na naman,kung gaano kainit ang panahon, singlamig naman ng pakiramdam dito sa aming tahanan." Ang sabi sa akin ni Tita Hilda.

Sabay kaming lumaki ni Noah, natutuwa ang mga kapitbahay namin noon tuwing makikita kaming magkasama. Bagay raw kami. Tuwing maririnig namin yaon, nagtitinginan lang kami sabay ng pagsiwang ng mga ngiti sa aming mga labi, kasunod ang isang malakas na tawanan. Magtatapos na kami sa mataas na paaralan noon at kami pa ring dalawa ang magkasunod sa hanay ng mga honor students sa aming paaralan. Ako ang balediktoryan at siya naman ang salutatoryan, pero para sa aming dalawa, pareho kaming numero uno. Naririnig ko pa noon sa aming mga guro…"Naku pinagbigyan talaga ni Noah iyang si Helen." Medyo masakit iyon kahit biruan lang, pero sa isang banda, nakakatuwa rin dahil pinatutnayan lamang namin na ang tunay na magkaibigan ay marunong magparaya para sa isa't-isa.

"Tingnan mo Helen." si Tita Hilda habang ipinapakita sa akin ang mga larawan ng aking si Noah.

"Parang walang ipinagbago ang kanyang hitsura mula pa noong bata, ano po?" at nagbigay ako ng isang maliit na ngiti.

Nag-eksamen kami noon sa Pamantasan ng Pilipinas sa Baguio. Sa kabutihang-palad ay pareho kaming natanggap sa kursong pinag-aplayan namin. Isa akong Bachelor of Science in Secondary Education Student, at dinadalubhasa ang Pisika. Siya naman ay natanggap sa kursong Bachelor of Arts in Communication major in Journalistic Photography. Kinailangan naming umupa ng bahay na tutuluyan dahil may kalayuan ang aming lugar sa nasabing unibersidad. Wlang nagbago. Masaya na bawat sandaling aming pinagsamahan. Kapag ginagabi ako ng uwi ay parati niya akong hinihintay sa labas ng aming boarding house. Isang gabi, inabot akong alas-onse dahil sa dami ng aming ginawang proyekto para sa isang asignatura. Biruin mo, naabutan ko pa si Noah na natutulog at nilalamok sa labas ng aming pintuan. Dahil curfew na ng alas diyes, nakasara na ang pinto at walang nagigising upang magbukas. Natandaan ko pang sinabi ni Noah noon. "Hindi bubukas 'yan kung tititigan mo lang." Labis na ang aking pagod mula sa maghapon, kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Nagsalita noon si Noah." Tahan na, kung kaluluwa lang ako, lumagpas na ako sa pintong yan para pagbuksan ka." Kasabay noon ay ang paghikbi niya na talaga namang nakakatawa. Napangiti na ako noon at salamat…may nagbukas din ng pinto.

Nangako sa akin si Noah noon na matutupad ang bawat pangarap na binuo namin, at ang iba nga ay natupad na. Katulad na lamang ng pag-aaral namin sa kolehiyo sa nais naming paaralan, ang pagkakaroon naming ng matataas na grado at ang pagtatapos namin sa aming mga napiling kurso. Bukod pa sa lahat ng ito, mayroon pa kaming tinatawag na main goal. Nais namin ni Noah na makapaghanap-buhay sa ibang bansa. Ako, gusto kong magturo sa Italya dahil alam kong maganda ang kita doon. Sa ganoong paraan, matutulungan ko ang aking pamilya, ang pagpapagamot ni tatay at ang pag-aaral ng aking kapatid na si Minda. Si Noah naman ay iba yata ang dahilan, pupunta daw siya doon hindi para kumita ng malaki, kundi para daw manatiling buo ang buhay niya. Hindi ko siya maintindihan noong sinabi niya yun sa akin. " Maria Helenika Torres, hindi mo talaga ako kailanman maiintindihan." Ito lamang ang isisinasagot niya sa akin tuwing tinanatong ko siya. Naisip ko tuloy noon na gusto lamang niyang pumunta doon para humanap ng kanyang magiging asawa. Ngunit mali ako.

Dalawampu't isang taong gulang na kami noon. Nakapagtapos na at pawang may maayos na hanapbuhay. Ako ay nagtututo sa isang hayskul sa aming kalapit bayan. Si Noah naman ay nagtratrabaho sa pamahalaang lokal bilang isang manunulat sa panlalawigang pahayagan. Hindi pa rin kami nagkakalayo sa isa't-isa. Tuwing Biyernes at Sabado ay umuuwi kami sa aming bayan, masayang tumatambay sa ilog na malapit sa aming mag bahay, nagtatawanan at nagsasaya hanggang gabi, nagkukuwentuhan tungkol sa buong linggong lumipas. Walang nagbago sa amin ni Noah. Ang bawat tag-araw ay lumipas ng maganda. Nanatili ang init ng aming samahan at pagkakaibigan. Tunay ngang walang araw na lumilipas na hindi masasayang bagay ang nagaganap. Ang buong taon ay parang tag-araw na hindi napaparam. Maaliwalas at puno ang saya. Abril, ang paboritong buwan ng dalawa. Abril na maaliwalas , mainit ay maganda.

"Hindi namin lahat inaasahan na ganu'n kabilis ang mga pangyayari..tingnan mo na ngayon ang sarili mo Helen, napakaganda mo pa rin at maayos na ang buhay mo. Sayang nga lang……" Hindi na naituloy ni Tita Hilda ang kanyang sasabihin. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili sa pag-iyak. Iniupo ko siya sa salas ng kanilang bahay.

Tandang- tanda ko pa ang lahat ng detalye ng araw na iyon. Abril onse, sa ganap na ikatlo ng hapon. Masayang- masayang nagtungo si Noah sa aming bahay. Abala ako noon sa paggawa ng panibagong lesson plan para sa darating na pasukan ng mga mag-aaral Hinding hindi mawawala sa aking alaala ang ngiti niya. Napakaaliwalas ng kanyan mukha, nababakas ko talaga ang walang kapantay na kasiyahan. Hinila niya ako mula sa lamesang aking aralan, niyakap ako ng mahigpit at sinabing…

"Maiilibre mo ako ng halo-halo…"

"Hindi mo pa naman birthday ah, sa akinse pa."ang sagot ko sa kanya.

Noong una'y hindi ko talaga mawari ang nais niyang iparating, ngunit dahil sa nahawa na rin ako ng sobra niyang tuwa, hindi ko na naalintana ang sobrang higpit ng kanyang yakap, at ang isang mainit na halik sa aking kanang pisngi. Napalayo ako ng kaunti at naging seryoso ang aking mukha.

"Bakit nga ba sobrang saya mo?"

Tumalikod ako noon at pilit na itinago ang namumula kong pisngi.

"Matutupad na ang pangarap natin Helen."ang sabi sa akin ni Noah.

Sa pagkakataon din iyon ay napalukso ako sa tuwa. Sa wakas ay makakarating na kami sa ibang bansa…ang pangarap naming Italya. Ibinalita sa akin ni Noah noon na natanggap ang aming aplikasyon. Isang buwan lamang ag kailangan naming hintayin at makakaalis na kami. Ang lahat ng mga kinakailangang papeles ay inasikaso na ng aking si Noah.

Masaya kaming nagtungo sa bayan at kumain ng malamig na Halo-halo. Nagsaya kami hanggang lumubog ang araw. Sa pagsapit ng gabi ay tumuloy kami sa tabing-ilog, nagtampisaw na parang mga maliliit na bata. Doon ay may binitiwan pa si Noah na isang pangako.

"Bago magtapos ang tag-araw Helen, igagawa kita ng saranggola, kagaya nung mga bata pa tayo."

Hindi lang iyon ang nakapagpasaya sa akin ng gabing iyon. Nangako pa si Noah sa akin na hinding-hindi na kami magkakahiwalay. Pinanood naming ang mga bituin sa langit at iginuhit sa aming pag-iisip ang magandang bukas na inaasahan naming dumating.

Abril kinse, ang araw na pinakahihintay ko. Ang kaarawan ng aking si Noah, Nagtungo ako sa kanilang bahay upang bigyan siya ng regalo. Tumawag ako sa kanilang bakuran ngunita wala kahit sinong sumagot sa akin. Naisip kong nagtungo ang kanyang pamilya sa simbahan tulad ng dati nilang ginagawa tuwing may kaarawan. Dali-dali akong nagpalit ng damit upang humabol sa misa. Natapos ang misa, ngunit ni isa sa kanila ay wala akong nakita sa simbahan. Nag-uwi ako sa aming bahay ng may isang tanong.

"Nasaan na si Noah…?"

Lumipas ang mga araw at wala akong narinig na balita mula sa kanyang pamilya. Magtatatlong linggo na ang lumipas at isang linggo na lang ay nakatakda na aming pag-alis patungong Italya. Ngunit ni anino ang aking si Noah ay hindi ko na nakita.

"Baka naman nagsariling lakad na iyang si Noah." Ito ang naririrnig ko sa aming mga kapitbahay.

"Hindi!!!" paulit-ulit na isinisigaw ng aking isip. Hindi iyon sa akin magagawa kailanman ni Noah.

Dumating ang araw na iyon…wala pa rin siya. Nagpasya akong hindi na tumuloy sa pag-alis. Bawat gabi kong iniluluha ang biglang pagkawala ni Noah. Iniisip ko kung bakit niya iyon nagawa. Paano na ang aming mga pangarap? Ang mga pangarap na kaming dalawa ang gumawa, ang mga pangakong kanyang binitiwan, at ang buhay ko kapag wala siya.

Lumipas ang madaming araw. Hindi na mainit ang panahon. Nawala na ang dating pakiramdam, hindi ko na nakikita ang mga saranggola sa lilim ng langit, wala na rin ang magandang daloy ng tubig sa ilog, nagbago na nag lahat. Magpaparamdam na ang tag-lamig. Wala na nag dating tag-araw at sa aking palagay ay hindi na ito kailanman babalik.

Dumating ang isang araw. Habang ako'y abala sa paglilinis ng aming bahay. May kumatok sa aming pintuan.

"Helen, kailangan nating mag-usap." Iyon ay si Dr. Andres, ang kaibigang manggagamot n gaming pamilya. Iniabot niya sa akin ang sulat na naglalaman ng ganito.

"Bakit hindi ka tumuloy? Hindi ba pangarap natin iyon?"

Nagulong muli ang aking isip. Sulat iyon sa akin ni Noah.Umalis na ang duktor at naiwan akong umiiyak. Hindi ko matanggap ang nangyari. Nawala noon ang aking malay. At ang pinakamasakIap pa ay ilang araw daw akog nawala sa katinuan.

At ngayon, nandito ako sa kasalukuyan, matagumpay sa aking buhay. Tamang alaala na lang ang aking pinanghahawakan.

"Ayos lang ako Helen." Ang pagpapatuloy n gaming pag-uusap ni Tita Hilda.

"Ate Helen, Mama, tinatawag na po tayo ni Papa." Si Andrea, na kapapasok lamang sa bahay.

" Tayo na Helen, mag-aalas-tres na." Tumayo si Tita Hilda at sabay kaming lumakad patungo sa labas, sumakay sa kotse na minamaneho ng kanyang asawa.

Pagkatapos ng ilang buwan, nagtungo ako sa Italya upang bigyang katuparan ang aming mga pangarap ni Noah. Nagtrabaho ako doon at naging matagumpay. Hindi ko na maalala kung papaano lumipas ang mga taon na mag-isa ako doon. Nawala ang dating saya ng buhay ko. Ang buhay ko ay hindi na kailanman magiging tulad ng dai kung wala si Noah.

"Happy Birthday Noah, andito na ako ulit..sana masaya ka na ngayon." At ipinatong ko ang dala kong mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang libingan.

_wakas_

1 comment:

AngEL♥CieLo™®♥ said...

you should have justified my post..
but nice work... keep up
jiamPhong...