Thursday, June 24, 2010

Sunday, October 12, 2008

Arvil Premian


“Mawalang galang na po, ano po ang nangyayari sa loob?” Tanong niya sa sa mamang hindi maipinta ang mukha sa palabas sa opisina ng terminal papuntang bayan ng Klipdriff. Halos sisenta na ang edad nito.
“Wala kundi mga walang kwentang tao.” Barinong sagot ng mama. “Sabihin ba namang naka-booked lahat ng tren sa loob ng anim na linggo. Paano tuloy ako makakarating sa Diamond Field?”
“Shit.” Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha ni Jamie sa narinig sa mama. Ilang buwan din niya itong pinaghandaan upang makarating sa baying iyon ng South Africa. Nagtrabaho siya ng husto upang makapag ipon ng pera upang maipang tustus sa kanyang gagawing paglalakbay. “Wala napo ba kayong ibang alam na paraan upang makarating sa Klipdriff?”
“Ano? Ibang paraan.” Napatitig ang mama kay Jamie, waring sinusuri siya nito. “Baguhan ka pa lamang ano?”
“Oho.”
“Merong dalawang paraan upang makarating ka sa Klipdriff, Una kung maglalakad ka pero imposible dahil anim na daan at pitumpong kilometro ang layo niyon mula rito. Ikalawa, sa pamamagitan ng tren na naka-booked na ng anim na lingo.”
“Hmmm…” Napabuntong hininga siya sa narinig at tumalikod na sa kausap patungo sa upuang bakante. Iniisip na niya kung paano at kalian siya magsisimulang maglakad ng …
“Sandali.” Habol ng mamang kausap niya. Isa rin ito sa mga taong nagnanais makapunta sa South Africa tulad ni Jamie upang hanapin ang swerte sa Diamond Field sa bayan ng Klipdriff at maghanap ng diamond. “Meron pa palang isang paraan. Bata ka pa at makakaya mo iyon.”
Makalipas ang tatlong oras at nagbabyahe na siya papuntang Klipdriff, sakay sa isang wagon. Bibihira ang sumasakay sa ganoong uri ng sasakyan. Kinakailangang may malakas na pangangatawan ang taong sasakay roon dahil kung wala ay hindi siya roon tatagal. Isa iyong wagon na nagdadala ng mga sulat sa ibang bayan at laging maraming dala kung kayat pinapayagan lamang na makapagdala ng isang t-shirt ang pasaherong magnanais sumakay rito. Tumatakbo ito ng labing tatlong kilometro kada oras at walang tigilan upang magpahinga at kumain ang mga pasahero maliban na lamang kung magpapalit ng kabayo at drayber ang wagon. Hindi maayos at hindi komportable ang pakiramdam ni Jamie sa loob. Bukod sa napakasikip ay tatlo pa sila roon. Halos hindi na kayanin ni Jamie sa loob ngunit sa pagigi niyan desidido sa kanyang mga mithiin ang nagpapanatili sa kanya sa loob. Inabot ng halos tatlong araw ang biyahe sa loob ng wagon at sa wakas ay natapos na ang paghihirap ng tatlong pasahero sa wagon.
Maraming tao doon sa bayan ng Klipdriff na pawing galing sa mga karatig bayan na nagpupunta roon para sa iisang mithiin ang makakuha ng diamond tulad ni Jamie. Maunlad ang bayan na yun dahil na rin siguro sa napakarami ng mga taong nagpupunta roon. Maraming mga establisyimento roon at karamihan ay mga paupahan para sa sa mga manglalakbay. Baguhan roon si Jamie kaya’t medyo nahihirapan siya lalo’t wala pa siyang nadalang mga gamit. Hindi rin niya akalain na napakamahal ng mga bilihin sa bayang iyon. Ang perang nagagastos niya sa kanilang bayan sa loob ng isang taon ay tatagal lamang ng tatlong lingo sa Klipdriff, hindi sasapat ang kanyang naipong pera.
Nag uli uli muna siya sa bayan at napapunta siya sa isang malaking tindahan na pinaka malaki na yata roon. Hindi naman masyadong malaki iyon ngunit ito na ang pinakamalaking tindahan na nakita niya sa bayan. Pumasok siya sa loob at iisang kargador at tindera na isang dalaga at may magandang mga matang kulay berde. Hindi naman siya kagandahan pero may mukhang nakakainteresente.
“Ano po ang hanap nila?” Tanong sa kanya ng binibini.
“Ahh…yung…yung….yung pangkaraniwan.”
“Pang…pangkaraniwan. Tulad ng ano sir?”
“Alam mo na yung pala, yung … yung timba.”
“Sigurado po kayong yun lamang ang pangkaraniwang hinahanap nyo sir?” Tanong muli ng dalaga na nakatingin sa kanya. Alam nitong baguhan lamang ang lalaki.
“Ah…well, sa totoo lang miss ay baguhan lang ako rito at wala pa akong ideya sa ngayon.”
“Isa ka ring diamond hunter sir?” Tanong ng dalaga na alm na naman ang sagot sa tanong.
“Oo. Ako nga pala si Jamie McGregor.” Sabay abot ng kanyang kamay sa dalaga.
“Margaret van de Merwe.” At kinamayan ang binata.
“Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Margaret.
“Ako rin naman Mr. Jamie.” Kung hindi mo mamasamain ay maaaring makatulong ang aking ama sa tulad mo.”
Napaisip si Jamie sandali. Sa kalagayan niya ay kailangan nga niya ng isang taong maaaring tumulong sa kanya at nakahanap na siya.
“Maraming salamat sa iyong kabutihan at kailangan ko nga ng tulong sa ganitong pagkakataon.”
“Wala yun, kaya lang wala rito ang aking ama. Bumalik ka na lang bukas ng umaga at ako na ang bahalang magsabi sa kanya tungkul sa iyo.”
“Napaka buti mo talaga Margaret.” At umalis na siya sa tindahan.
Kinabukasan ay nagpuntang muli siya sa tindahan. Nakita niya na biglang nabuwal ang kargador na nakita niya kahapon roon habang nagbubuhat ng mga bagahe. Tinulungan niya iyon sa pag aayos ng mga nasirang bagahe at itinayo sa pagkakabuwal. Halos hindi nalalayo ang edad niyon sa kanya. Matangkad at may maiitim na mata. Isa siya samga itim at isa na rin sa mga maitsurang tao na nakita Jamie.
“Ayos ka lang?” Pangumgumusta niya ngunit hindi umimik ang lalaki at tumingin lamang sa kanya at muli nang nagpatuloy sa pagtatrabaho.
“Kayo marahil si Jamie Mc Gregor ang sinasabi ng aking anak, ginoo?” Napalingon si Jamie sa nagsasalita na papalabas ng tindahan kasama ng isang dalaga.
“magandang umaga po sa inyo, Ako nga po si Jamie at kayo po siguro ang ama ni Margaret?” Sabay tango kay Margaret.
“Tama ka iho, halika, doon tayo sa loob at hayaan mo na ang taong iyan.”
Nagpatuloy na sa pagtatrabaho ang itim nang makapasok na sa loob ang tatlo. Siya si Banda at hindi sila nakikipagusap masyado sa mga lahing mapuputi. Hindi rin sila tumitingin sa mga mata kapag nakikipag usap sila sa mga puti . Iyon ang gawi sa lugar na iyo na alipin lamang ang mga itim ng mga puti.
“Bibigyan kita ng lahat ng ‘yong kakailanganin sa iyong gagawing paglalakbay. Akong bahala sa financial na pangangailangan at tayo ay magpartner. Bibigyan kita ng sweldo kada-linggo para sa iyong pagod dahil para ka ring nagtatrabaho sa akin.”
Napakabuti ninyo sa akin kahit di ninyo ako masyadong kilala. Sa palagay po ay hindi ko kakailanganin ang sweldo dahil sapat na ang inyong inaalok sa akin Ginoong Solomon.”
Wala iyon basta tanggapin mo na lang at may tiwala ako sa iyo. Permahan mo na lang itong ating magiging kasunduan. Nagsasaad ito na “fifty-fifty” tayong dalawa sa iyong makukuha gayun din ang matatanggap mong sweldo sa akin.?
“Hinding–hindi ko po sasayangin ang inyong kabutihan at makakaasa po kayo sa akin na makakakuha tayo ng pinakamalaking diamond. Hindi kopo sasayangin ang inyong pagtitiwala.”
Pinermahan ni Jamie ang kasunduan na nakasulat sa wikang hindi niya alam ngunit may tiwala naman siya kay Solomon at sa palagay niya ay hindi siya lolokohin nito. Iniisip na lang niya an napaka – swerte nya.
Kinabukasan ay nagsisimula na siyang maglakbay papunta sa lugar kung saan matatagpuan ang mga diamond. Marami ding tulad niya ang naroroon at naghahanap ng swerte. Binaybay niya ang ilog patungo sa kabundukan. Lumipas na ang isang linggo ngunit wala pa rin siyang natatagpuang diamond. Naghukay siya mula umaga hanggang gabi ngunit para lamang siyang nagsasayang ng panahon. Marami na ang sumuko pero iba si Jamie. Hindi siya basta-basta sumusuko at iyon ang katangian niya na makatutulong sa kanya upang makamit ang mga naisin niya. Disiotso anyos pa lamang siya at may malalakas na pangangatawan kaya siya nakakatagal sa ganitong sitwasyon. Lumipas pa ang dalawang linggo at nasa tindahan na muli siya ni Solomon dala ang isang bag na naglalaman ng mga diamond.
“Ito na ang pinakamalaking diamond na aking nakita.” Hindi makapaniwalng sabi ni Solomon kay Jamie. Kinuha niya at inilagay ang mga iyon sa isang sulong at sinusiana. “ Umabot ng tatlong linggo ang iyong nagging paglalakbay at gaya ng aking sinabi at laman ng kasunduan na iyong pinermahan, ito ang halaga ng iyong sweldo.”
“Bakit pa po?” Bakit hindi na lang naten hatiin ang mga diamond na ating nakuha.”
“Anong hatiin?.Iyon na ang iyong parte at malinaw na nakasaad iyon sa ating kasunduan na suswelduhan kita bilang trabahador sa iyong gagawing paghahanap ng diamond. Umalis ka nang muli at magpatuloy sa pagtatrabaho sa akin bata.”
Hindi makapaniwala si Jamie sa narinig. Hindi niya akalain na ganoong tao pala si Solomon at ganoon lamang siya kadaling naloko. “Hindi maaari iyon at may karapatan ako sa mga iyoan.”
“Huwag kang ganyan bata. Hindi mo pa ako kilala at umalis ka na bago pa mawala ang kabutihan ko sa iyo bata.
“Hindi ako tatahimik na lang sa isang tabi Solomon. Gagawa ako ng paraan upang makuha ko ang dapat na sa akin at ipapakita ko rin sa buong bayan ang tunay mong anyo. Umalis na si Jamie sa tindahan at iniwan ang pera na ibinigay sa kanya ni Solomon.
Nang tangkain ni Jamie na magreklamo sa mga awtoridad ay hindi man lamang siya pinag ukulan ng mga pansin ng mga iyon. Kilala ang pangalan ni Solomon sa buong bayan. Kilala siya na isa sa mga taong may abuting dulot sa bayan. Marami siyang mga ari-arian sa bayan ng Klipdriff. Sa katunayan ay halos kalahati ng buong bayan ay pag aari niya. Higit sa lahat, pag aari niya ang isang lugar na kung saan ay may mina ng diamond na maaaring mapulot lamang sa buhanginan sa baybayin ng dagat. Kilala rin siya bilang isang relihiyosong tao at maraming charity na tinutulungan.
Nang malaman ni Solomon ang ginawang paninira niya sa kanyang pangalan ay nalagay sa alanganin ang buhay ni Jamie. Ipinag utos ni Solomon sa kanyang mga alipin ang pagpatay sa kanya. Pinadukot siya at dinala sa gitna ng disyerto. Doon siya binulbog at iniwanan na halos naghihingalo na. Doon ay nagliliparan na paikot sa kinahihigan ni Jamie ang mga buwetre. Nag iintay na lang ang mga iyin sa pagtigil niya sa pagkilos.
Kahit hindi na kayang makatayo dahil sa mga sugat niya sa katawan, kahit hindi na niya maimulat ang kanyang mga mata at wala ng boses na lumalabas sa kanyang bibig ay tuloy-tuloy pa rin siya sa paggapang kahit hindi alam ang patutunguhan. Ang alam lang niya ay ang makapag higanti kay Solomon at pagbayarin ito sa mga ginawa nito sa kanya. Hindi siya sumuko at nagpatuloy sa paggapang kahit na kinakain na ng mga ibon ang kanyang binti at umaasa na may tutulong sa kanya.
Hindi nga siya nabigo at nay narinig siyang ugong ng sasakyan at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
“May malay ka na pala. Kaya mo na bang bumangon? Heto. Kumain ka na muna para madali kang makabawi ng lakas.” Wika ng lalaki kay Jamie nang magising na siya sa pagkakahiga.
“Ikaw!” Bakit hindi nyo na lang ako tinuluyang patayin ng iyong ama? Ano pa ang kailangan ninyo sa akin?” Tanong niya habang hawak ang balikat na nasugatan.
“Easy ka lang tol! Hindi ako ang iyong kaaway. Kumain ka muna dahil alam kong gutom ka na. Ikaw ba naman ang natulog ng tatlong araw.”
“Ano ang iyong kailangan sa akin?”
“Ako si Banda, isang alipin ni Solomon.Alam mo naman siguro ang sitwasyon naming mga itim ditto sa lugar na ito. Tama ka, si Solomon ang may kagagawan ng mga nangyayari sa iyo at isa ako sa kanyang mga inutusan. Binalikan kita dahil isa kang puti at kakailanganin ko ang tulad mo para maghiganti sa kanya.
“Maghiganti?”
“Isa siyang demonyong nagtatago sa mga balahibo ng anghel. Ginahasa niya at pinatay ang aking kapatid na babae. Wala kaming makuhang hustisya kaya dinala kita ditto sa aming lugar.
“Kung gayon salamat at magtulungan tayo.” Wiak ni Jamie.
“Ang lugar kung saan matatagpuan ang minahan ng diamond ni Solomon ay binabantayan ng maraming gwardya. May mga bantay ring mga aso na at mga land mine para sa mga magtatangkang pumasok sa lugar na iyon. Iyon ang lugar na balak pasukin nina Jamie at Banda.
Nagsagawa sila ng plano. Hindi sila makakapasok doon kung sila ay dadaan sa lupa kaya dumaan sila sa dagat sakay ng isang bangka. Naglayag sila sa gabi upang hindi sila mapansin at may dala silang tig isang bag uapng paglagyan ng diamond.
Nasira ang kanilang bangka kaya duaman sila sa lupa upang makalabas. Nalagpasan nila ang guwardya, ang mga land mine at mga aso doon pero iisang bag lamang ang kanilang dalang may lamang diamond.
“Hatiin na naten ang mga ito.” Wika ni Jamie kay Banda nang maka-uwi na sila.
“Hindi sa iyo na lamang ang mga iyan. Hindi ko iyan kailangan. Ang kailangan ko lamang ay ipangako mo sa akin na pagbabayarin mo si Solomon sa kanyang mga kasamaan. Hindi ko kailangan ang maraming pera na magpapa alipin sa akin baling araw. Kailangan ko lang ay yung sasapat upang makabili ako ng asawa at lupang sasakahin. Iyo na ang mga iyan. Gamitin mo sa pagtupad sa iyong pangako.” Wika ni Banda at kumuha lamang ng isang pirasong diamond at nagpaalam na kay Jamie.
Tumanda ang itsura ni Jamie mula ng siya ay tinangkang ipapatay ni Solomon. Nagmukha siyang forty anyos. Nagpahaba siya ng balbas at mayroon na siyang peklat sa mukha na lalong nakadagdag upang hindi agad kaagad siya maitsurahan. Nag disguise siya at nagpanggap na isang negosyante. Gumawa siya ng patibong kay Solomon gamit ang mga diamond na ninakaw sa kanya, na alam naman niyang kakagatin iyon ni Solomon dahil gahaman ito sa diamond.
Natupad ang mga plano ni Jamie at unti unti nang nawawala sa mga kamay ni Solomon ang kanyang mga ari ariandahil na rin sa kanyang pagiging gahaman sa diamond na sinamantala namn ni Jamie. Lahat ng mga pag aaring negosyo ni Solomon ay bumagsak sa mga kamy ni Jamie maging ang minahan ng diamond ni Solomon. Plinano rin niyang buntisin ang kaisa isang anak nitong si Margaret upang gamitin para ipahiya ang kanyang ama sa bayan na ang anak niyang babae ay nabuntis at walang asawa. Pina ibig niya ang babae gamit ang balat kayo niyang mukha. Nabuntis nga niya iyon at hindi pinakasalan at tuluyang iniwan.
Hindi nagtagal at inilantad din ni Jamie ang tunay niyang pangalan at anyo. Isiniwalat na niya sa buong bayan ang lahat ng ginawa ni Solomon sa kanya at paniniwalaan na siya ngayon ng mga tao. Tuluyan ng nawala ang mga ari-arian ni Solomon at higit sa lahat ay nasira na rang kanyang pangalan. Nalaman na ng buong bayan ang mga pinaggagawa niyang panloloko sa mga tao tulad ni Jamie.
Dinamdam na maigi ni Solomon ang mga nangyayari sa kanya at iyon ang nagging dahilan ng kanyang pagkamatay. Dalawang tao lamang ang nakipaglibing sa kanya maliban sa mga supultorero. Iyon ay si Margaret at si Jamie na hindi man lamang pinansin si Margaret at tiningnan kahit halatang malaki na ang tiyan. May galit pa rin sa puso ni Jamie para kay Margaret dahil malinaw pa rin ang mga sinabi nito sa kanya ng una silang magkita.
Humingi ng tawad sa kanya si Margaret pero hindi ito pinakinggan ni Jamie. Hindi talaga akalain ni Margaret na gagawin iyon ng kanyang ama kay Jamie. Umalis siya ng bayan dahil nag-iba na rin ang tingin ng mga ito sa kanya na parang isang basura.
Lumipas ang mga buwan at nagsilang ng batang lalaki si Margaret. Pinangalan niya ito na Jamie, Kapangalang ng kanyang ama. Hindi siya nawalan ng pag asa na muling babalik an gang pag ibig nila ni Jamie at ang kanilang anak ang magbabalik noon. Bumalik siya sa Klipdriff at hindi nga siya nabigo. Nag sialng uli siya ng batang babae at pinangalan niya iyong Kate.
“Mc Gregor, nagkakagulo po ngayon sa minahan ng diamond. Nagwewelga po ang mga trabahdor na itim at iyon ay dahil daw po pagmamalupit n gating katiwala roon.
“Ano?, Bilisan mo David, pupunta tayo sa field. Ayusin naten ang gulong pinaggagawa ni, sino nga pala iyong walang hiyang katiwalang iyon?”
Si Brutus po. Pero mapanganib po kung pupunta pa kayo roon Sir Jamie, baka kung ano ang mangyari sa iyong masama.”
“Lalong may masamang mangyayari kung hindi tayo pupina roo David.”
“Iyon si David Blackwell, ang katiwala ni Jamie sa kompanya. Mas bata siya ng sampunt taon kay Jamie at twenty-one anyos na si David. Mga lahing itim ang nagtratrabaho sa kanyang minahan at nagkakagulo ngayon doon dahil sa kay Brutus, ang kanilang katiwala roon. Pinahihirapan raw na maiigi ni Brutus ang mga iyon at hindi tinatrato ng tama.
Nang dumating sila ay sumalubong sa kanila ang limang bangkay ng mga itim. Kagagawan daw iyon ni Brutus. Nandoon pa rin ang mga nagwewelga at kinikuyog na si Brutos ng mga iyon. Walang nagawa si Jamie upang pigilan ang mga itim sa pagkuyog kay Brutos at namatay din iyon.
Duamting si Banda sa kinaroroonan ng kaguluhan. Napakalma niya ang mga iyon at pumayag naman ang mga iyon sa alok ni Jamie.
“Maraming salamat at duamting ka Banda dahil hindi ko kaya silang pahintuin.” Wika ni Jamie.
“Jamie hindi ko rin sila kaya at hindi pa lubusang maibabalik at iyon ang aking ikinatatakot.” Si Banda.
Hindi nga nagtagal makalipas ang dalawang araw mula ng mangyari ang kaguluhan ay nangyari ang kinatatakutan ni Banda. Nawawala ang dalawang anak ni Jamie. Kinidnap sila ng mga itim na naghihigante sa pagkamatay ng kanilang kasamahan.
Si Kate na anim na buwan pa lamang ay nabawi ni Banda at naibalik kay Margaret ngunit si Jamie, ang anak nilang panganay at limang taon pa lamang ay natagpuan nilang patay sa gitna ng disyerto. Iniwan ng mga dumukot sa kanya na mag isa sa disyerto ng walang pagkain buhat pa ng araw na dinukot ito isang linggo na ang nakalipas.
Nang araw ding iyon ng malaman nila ang balita sa kanilang anak ay natagpuan ni Margaret si Jamie na wala ng buhay at na-istroke dahil siguro sa mga nangyari. Nagdaan pa ang ilang taon at sumunod na rin si Margaret dahil sa sakit niyang taglay.
Naiwan sa pamamahala ni David ang kompanya at nang dumating na sa tamang edad si Kate ay isinalin na sa kanyang pamamahala ang kompanya ng kanyang ama. Isa siyang henyo pagdating sa pamamahala ng negosyo. Napalago niya iyon at lumawak hanggang makaabot sa ibang bansa. Sa edad na twenty-one ay kilala na siya bilang isa sa mga taong makapangyarihan. Kaya niyang ibagsak ang malalaking kumpanya na kumkalaban sa kanya at nagagawa niyang kunin ang mga iyon kamit ang taglay na katalinuhan at angking kagalingan.
Sa edad na twenty-five ay nagsilang siya ng anak na lalaki. Iyon si Tony, anak niya kay David Blackwell na kanyang napangasawa kahit halos matanda na sa kanya ng twenty anyos.
Nagkaroon ng gera sa bansa at kinakailangan ng pamahalaan ang lahat ng mamamayan nitong lalaki. Nakasama si David at ipinadala sa digmaan. Sa kasamaang palad ay isa ito sa mga nasawi sa digmaan.
Labis na napighati si Kate Blackwell at itinuon na lamang ang sarili sa kompanya. Inasam niya ang mga kumpanya na halos kasing laki rin ng sa kanya. Doon ay nakakaramdam siya ng pagkakontento at siya ay nacha-challenge kung papaano niya iyon isasakatuparan. “To win the game” iyon ang kanyang motto sa buahy at ang malakas lamang ang makaka-survive. Kakainin ng malakas ang mahihina at iyon ang batas ng kapaligiran. Doon siya nakakaramdam ng pagkakontento at ng kapangyarihan.
Forty anyos na siya at patuloy pa rin sa paglago ang kanyang kompanya
At alam na niya na balang araw ay kakailanganin na niya ng papalit sa kanya sa pamamahala ng kompanya at iyon ay si Tony.
“Tony nakakuha na ako ng iskwelahan na iyong papasukan. Sa Venice, doon ay kilala sial sa pagiging magaling sa larangan ng pagnenegosyo.”
“Mama, pero gusto ko sa Italy. Gusto kong kumuha ng Fine Arts at iyon ang sinasabi ng puso ko. Wala akong talent sa pagnenegosyo at sobra-sobra na an gating pera dahil sa kompanya.”
“Pero anak, wala nang magpapatuloy ng kumpanya maliban sa iyo.”
“Eh di tumitigil na. Napakalaki na nito at hindi mo na kailangan palakihin pa at sagasaan ang iba. Hindi na ito guguho dahil napakatatag na nito. Mama, bakit hindi ka na magretared at samahan mo ako sa Italy?”
Pang sampung beses na itong pangungumbinsi ni Kate sa kanyang anak pero bigo pa rin. Hindi na niya pinigilan so Tony sa pagpunta sa Italy. Pero hindi ap sumusuko si Kate. Hindi pa siya nananalo. Bumayad siya ng mga tao upang bumalik si Tonyat sundin siya. Binayaran nya ang isang sikat na pintor sa buong mundo upang sirain ang pangarap ni Tony. Iginagalang ang pintor na iyon at kaya nitong pasikatin o patanyagin ang isang pintor sa pamamagitan lamang sa pagbibibgay niya ng isang komentaryo sa isang pinta at kaya rin nitong magpabagsak ng isang pintor.
Isang araw ng magbukas si Tony ng isang excibit para sa kanyang mga ipininta ay hindi inaasahang pumunta roon ang pintor na binayaran ni Kate. At kinabukasan din ng araw an iyon ay lumabas sa dyaryo na isa si Tony sa nagpaala sa kanya ng pintang masama na nawala na sa bokabolaryo ng pintor.
Hindi nga nagtagal ay bumalik siya sa kanyang ina at tinanggap na ang inaalok sa kanya ng kanayng ina. Ang hindi niya alam ay plano iyon ng kanyang ina.
“Heto na ang kabayaran ng iyong serbisyo.” Ibinigay ni Kate ang sobre sa sikat na pintor.”
“Hindi ko talaga alam an dahilan kung bakit ninyo iyon ipinagawa
Mrs. Blackwell. Hindi nyo ba alam na may talent si Tony at hindi magtatagal ay isa siya sa agagalng ng buong mundo higit pa sa akin?”
“KUlang pa ba iyan?” O baka naman gusto mo ring sumunod sa aking anak?” Ulit ni Kate sa pintor at umalis na ang pintor at nagpaalam.
Hindi lang iyon ang nagiging pagmamanipula ni Kate sa kanyang anak upang mapasunod ito sa kanyang mga naisin at gayon din sa ibang tao. Patuloy pa rin siya sa pagpapalawak ng kompanya at wala na siyang inatupag kundi iyon. Sinasakop na ng kompanya ang katauhan ni Kate at ito na rin ang nagkokontrol sa kanya, hindi na siya ang kumokontrol sa kompanya. Nagigi na silang isa at walang pakiaalam sa nasasagasaan. Hindi na niya pinakikinggan ang kanyang anak kaya nagalit sa kanya ang kanyang anak at iniwan na siya. Lumayas siya sa kanilang tahanan.
Walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ni Tony na nang una pa man ay lagi na siyang kinokontrol ng kanyang ina. Gayundin ang tungkol sa binayarang pintor. Dahil ditto ay lalo siyang nagalit sa kanyang ina. Napansin na rin niya na kinokontrol na ng kompanya ang kanyang ina at nagigi sialng isa na parang demonyo kaya gumawa siya ng hakbang upang matigil na iyon. Ang kabaliwan ng kanyang ina.
“Wala siya rito. Nandoon siya sa taas. Nagpapahinga.”
“Hindi, hindi ko iyon magagawa, lalo na sa kanya.”
“Hindi kaya o iyon. Para rin iyon sa kanya. Mahal ko siya.”
“Pero hindi ito tama. Tama itong ginagawa ko.”
“Wala ng ibang paraan, Tama itong ginagawa ko.”
“Siguro nga. Ito na ang paraan para matapos na ang paghihirap nya.”
“Mama eto na ako. Tatapusin ko na ang iyong paghihirap. Papatayin ko ang demonyo upang matapos na ang paghihirap mo sa kanya. Para na rin makawalaka sa kanya at makapahinga naman.”
“Huwag kang maingay Tony baka magising ko ang demonyo.”
“Oo, dahan dahan lamang. Eton a ako mahal kong mama”
“Pumasok si Tony sa silid ng kanyang ina. Natagpuan niya na nakaupo sa kama ang kanyang ina.
“O Tony. May kailangan ka ba sa akin kaya ka napunta rito?”
“Mama, heto na ako. Wag kayong mag alala, ililigtas kita sa kanya para matapos na ang iyong paghihirap sa kanya.”
“Hindi kita maintindihan anak. Ano ang iyong sinasabi?”
“Kinuha ni Tony ang baril at ikinasa sa harap ni Kate. Itinutok niya iyon sa kanya. “Mama, mahal kita at hindi ako papayag na tuluyan ka niyang agawin sa akin. Eto ang paraan na naisip ko upang paghiwalayin kayo ng demonyo.”
“Tony bitiwan mo iyan. Ano ba ang nangyayari sa iyo anak…?
“Hindi Tony. Mahal mo sya at kalbitin mo iyan. Hindi yan ang iying ina.”
“Oo tama ka. Hindi siya si Mama.”
“Anak. Ano ang nangyayari sa iyo? Sino ang kinakausap mo anak?” Tony? Tony?”
“Mama, mama…mama…” Sigaw ni Tony hawak ang baril sa kanyang kamay.
Nang araw ding iyon ay umalingawngaw ang isang putok ng baril sa bahy ng mag inang Blackwell.

WAKAS



















GAME MASTER

By: ARVIL T. PREMIAN

BSME – II

Elaiza Rodriguez


ALAALA NG TAGLAGAS
-ehLai-
“Sa buhay ng tao hindi lahat pangmatagalan, dadating din ang panahon may mga bagay na dapat ng bitawan”
Elyzza Jamilano Rodriguez
“Sabi nila, kung merong pinaka swerteng tao sa mundo, ako na siguro ΄yon. Nasa akin na daw kasi ang lahat. I have the face, I have the talent, I have the brain.. Galing ako sa magandang pamilya, marami akong kaibigan, maraming nagmamahal sakin. Nakukuha ko lahat ng gusto ko ng hindi nahihirapan. Biruin mo, nasa harap ko na iaabot pa sakin. Tinitingala ako ng karamihan, iniidolo ako ng kabataan, mahalaga ako para sa lahat. In short, mayaman kami, madaming pera. Hari kung ituring. Hanggang isang araw…”

Nang makita ni Eric sa kanilang lumang relo na malapit ng mag alas dose, nagmamadali itong tumakbo papunta sa napakaliit nilang kwarto. kinuha niya ang nagiisang litrato ng kanilang namatay na mga magulang at bunsong kapatid na babae.
Mahigit sampung taon na ang nakakalipas ng maulila silang dalawang magkapatid na lalaki. Sa hindi inaasahang pangyayari habang pauwi galing sa bakasyon, bumangga ang kanilang sasakyan at sa kasawiang palad silang dalawa lang ang nakaligtas. Kasama sa nangyaring trahedya ang pagkamatay ng kanilang mga magulang at bunsong kapatid na babae kasabay nito ang pagkawala ng lahat ng ariarian nila sa kanila. Parang isang dagok sa kanila ang pangyayaring ΄yon lalu na sa panganay na kapatid ni Eric na si Nick. Bata pa lang ay ginawa na niya ang napakalaking responsibilidad na iniwan sa kanya, ang maging magulang kay Eric. Sinikap ni Nick na maging mabuting kapatid, sa kanyang murang edad ay pinili pa niya ang magtrabaho kaysa magaral kahit papano naman ay nakatapos siya ng highschool kaya hindi naging ganon kahirap ang makahanap siya ng pagkakakitaan. Sa loob ng mahabang panahon namuhay silang malayo sa nakasanayan nila. Pero kahit ganon ay pinilit nilang makapagaral kahit isa sa kanila.
“Eric! Bilisan mo late na tayo.” sigaw ni Nick kay Eric na nakatingin pa din noon sa litrato. “Wait kuya! Sandali.” sunod-sunod na sagot ni Eric kay Nick na nagbibihis ng mga oras na ΄yon.
“Alam ko naririnig n΄yo ako. Sa inyo at kay kuya ko idededicate ang diploma na makukuha ko mamaya.” ang sabi n΄ya sa hawak n΄yang litrato.
Ilang oras pa at sila ay nagpunta na sa graduation. Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng dalawa ng matanggap na ang diploma. Hindi naman naiwasan ni Nick na mapaluha sa nakamit na tagumpay ni Eric. Pero alam n΄ya na ang tagumpay ng isa ay tagumpay nila pareho.
“Kuya! Para sayo ΄to” sabi ni Eric kay Nick “bakit ang dami mong pasa kuya?” pahabol ni Eric. “Wala ΄to, o regalo ko.” sagot ni Nick, nagpapanggap na wala s΄yang alam sa sakit n΄ya. “LIBRO?!” salamat kuya, pero sana hindi ka na nagabala pa at idinagdag mo na lang sa ipon natin pangpagawa ng bahay.” sumbat ni Eric.
Gabi na ng makarating sila sa bahay. Deretso si Nick sa kusina para makapaghanda na ng hapunan at si Eric naman ay sa kwarto. naisip kasi niyang silipin ang ipon nila. Pero hindi n΄ya nakita ang pera. Galit na galit s΄yang lumabas at nagpunta kay Nick.
“NASAN ANG PERA KUYA?” galit na galit n΄yang tanong kay Nick.
Pero hindi na n΄ya hinintay na makapagpaliwag si Nick. Tumakbo s΄ya palabas ng bahay at hindi nagsabi kung sa΄n pupunta. Susundan sana ni Nick pero parang bibigay na ang kanyang katawan dahil sa sakit n΄ya. Minabuti nitong magpahinga na lang at maghintay sa paguwi ni Eric.
“Bakit nagawang maglihim sakin ni kuya?” paulit-ulit na tanong sa sarili habang nakatingin sa tatlong magkakalapit na bituin sa langit. Pinagpapalagay n΄yang kaluluwa ΄yon ng namatay n΄yang mga magulang at kapatid.
Minabuti ni Eric na ΄wag na munang magpakita kay Nick. Mamuhay ng magkalayo sila. Pero kahit ganon hindi s΄ya nakakalimot. Patago s΄yang nagpapadala ng ano mang pangangailangan ng kapatid. Alam niya ang mga hirap at sakripisyo ni Nick para sa kanya. Maayos ang naging buhay ni Eric, may sapat na kita at magandang trabaho. Sa katunayan, isa s΄yang sikat na writer sa isang sikat na kumpanya.
Isang umaga, habang naghahanda papasok sa trabaho, hindi niya inaasahang makatanggap ng sulat. Ang sulat ay galing sa isang doctor at pinapupunta s΄ya sa ospial kung nasan nandon si Nick.
Nagmamadaling nagpunta si Eric sa ospital at doon nakita niya si Nick, nakahiga at hindi na makabangon dahil sa sakit.
“Eric? buti at…”
“Shhh… Hinding-hindi na kita iiwan kuya.”
“Pwede ka bang makausap sandali?” sabi ng doctor kay Eric. mukhang may sasabihing importante.
“ Sana ay hindi mo minasama ang pagsulat ko, Minabuti kong sabihin ΄to ng personal. Hindi pa pala n΄ya nasasabi sayo. Mahigit apat na taon na s΄yang may Leukemia, ayaw lang ipasabi sayo.”
Parang pinagbagsakan si Eric ng langit at lupa. Pinagsisisihan n΄yang umalis pa s΄ya sa bahay nila. Ang daming oras ang sinayang n΄ya. Hindi man lang n΄ya nagawang alagaan ΄to nung mga unang araw na hirap na hirap ito, iniwan pa n΄ya at binigyan ng sama na loob.
Isang araw habang nagpapahinga si Nick, tinawag n΄ya si Eric, nagbabasa s΄ya noon ng dyaryo. Gusto nitong makipagkwentuhan sa kapatid habang may oras at panahon pa silang gawin ito.
“Naalala mo ba nong mga bata pa tayo. Lagi tayong magkaaway. Wala na tayong mapagkasunduan. Naalala ko nga noong hinabol mo ako sa beach dahil nasira ko laruan mo, iyak ka ng iyak no΄n.”
“At dahil sa sobrang takot mo kay Papa, hindi ka umuwi nong gabi tapos kinabukasan nakita ka namin sa garden ni Mama, lamig na lamig.”
“Ikaw din kaya, nong nabasag mo ang salamin ng kotse natin. Hindi ka umuwi.”
“O nga, buti nga pinagtanggol mo ako kuya. Takot na takot talaga ako kay Papa.”
Kita sa mukha ni Nick ang saya ng marinig ΄yon kay Eric. Pero kita din ang hirap na nararamdaman n΄ya dahil sa sakit. Nagpatuloy ang dalawa sa kwentuhan.
“Nong birthday ni bunso, naaalala mo ba kung ano regalo natin?”
“Pusa! Napulot natin sa school.”
“Tanda mo pa?”
“Makakalimutan ko ba ΄yon first and last nating regalo ΄yon kay bunso.”
“O, ΄wag ka ng malungkot. Ganyan lang talaga ang buhay, may nauuna at may naiiwan. Nagkataon lang na nauna ang mga magulang natin at si bunso, at ngayon ako!”
Hindi maipaliwanag ni Eric ang nararamdaman ng sabihin ΄yon ni Nick. Hindi n΄ya maisip na masasabi ΄yon mismo ni Nick. Parang nawalan na ito ng pagasa at tinatanggap na ang sariling kamatayan. Natahimik ang dalawa, dahan-dahang ipinikit ni Nick ang kanyang mata, kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Ang tabing-daga, ang ulan.” napapangiting sinabi ni Nick. Parang pinakikiramdaman ulit niya ang mga ito habang pwede pa.
Hindi na din naiwasang mapaluha ni Eric. Pakiramdam n΄ya ay nagpapaalam na ito at sinasabihan s΄yang maghanda at magpakatatag. Sinaraduhan ni Eric ang bintana dahil akala n΄ya ay nilalamig si Nick.
“Teka! ΄wag mong sarhan. Gusto kong Makita ang langit.”
“Gusto ko ang araw, buwan at bituin, napakabuti nila.”
“Eric, gusto ko umuwi ka ng maaga mamaya, maglakad, pagmasdan mo ang langit. Gawin mo ΄to para sakin.”
“Kuya…”
“Naalala mo ba ang librong regalo ko sayo? Basahin mo ΄yon. Nakalagay ΄yon kung sa΄n mo iniwan”
Maya-maya pa ay umalis na si Eric. Gabi na ng makarating siya sa bahay. Hinanap agad n΄ya ang libro. Nasa lamesa kung sa΄n n΄ya iniwan. Walang pagbabago, halatang-halatang hindi nagalaw. Pagbukas niya, nakita n΄ya ang isang susi at litrato ng isang bahay. Galit na galit s΄ya sa sarili, kung binigyan lang sana niya ng pagkakataong makapagpaliwanag si Nick, hindi na sana sila nagkahiwalay. Wala na s΄yang ibang magawa kundi magalit sa sarili.
Nagmamadali itong umalis at nagpunta sa ospital. Umaasang aabutan pa si Nick na buhay. Sa awa ng diyos, tulad ng inaasahan ay naabutan pa niya ito. Nagpapahinga nong mga oras na ΄yon.
Minabuti ni Eric na ΄wag ng abalahin sa pagpapahinga kaya pumunta na lang ito sa chapel na nasa loob ng ospital. At doon tahimik s΄yang nagdasal. Tahimik ang buong paligid nang biglang may umimik sa may likuran n΄ya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Nick kay Eric..
“Marami akong gustong itanong sa kanya.”
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Puro galit ang laman ng puso mo kaya pati s΄ya sinisisi mo sa lahat ng nangyari. Pero ayaw kong isipin mo ΄yon. Eric, hiram lang natin ang buhay natin nakatadhana na kung kelan niya ito babawiin.”
Alam ni Nick ang sakit na nararamdaman ni Eric.kaya ganon ang pagintindi n΄ya dito. Takot si Eric na maiwan at takot naman si Nick na iwan ito. Kaya kahit sa huling oras ni Nick pinaintindi n΄ya ang mga bagay na hindi maintindihan ni Eric.
“Hindi ito katapusan para sayo Eric, isa ΄tong simula.”
“Gusto ko magkasama tayo sa simula kuya.”
“Magkalayo man tayo, hindi ka man abot ng mga mata ko, mananatili ka naman lagi sa puso ko.”
Ito ang mga huling salita ni Nick na narinig ni Eric. Hindi na n΄ya napigilang mapaiyak. Pakiramdam n΄ya nawalan s΄ya ng magulang, kapatid at higit sa lahat matalik na kaibigan.
Hindi naging madali para kay Eric ang pagtanggap sa pagkawala ni Nick. Kaya inubos n΄ya ang oras niya sa trabaho, pagsusulat ng mga libro at iba pang babasahin. Ayaw niya na mawawalan siya ng ginagawa. Alam pati n΄ya na ayaw ni Nick na masyado s΄yang magpakalungkot.
Makalipas ang ilang buwan unti-unti na ding naintindihan ni Eric ang matagal ng gustong ipaintindi ni Nick sa kanya. Naisip niya na tama si Nick.
Isang araw nakatanggap si Eric ng imbitasyon sa isang Awardings. Kung sa΄n isa s΄ya sa mga writer na makakatanggap ng award. Matagal na niyang pangarap ΄yon pero hindi niya inaasahan sa pagkakataong ito. Wala pa sa nasabing celebrasyon ay nakakaramdam na ito ng kaba. Pero naisip niya ang kapatid, ang mga hirap at sakripisyo nito sa kanya. Kaya pinaghandaan niya ito.
Ala sais pa lang ng umaga ay bumangon na si Eric sa higaan. Dumating na ang araw na pinaka hihintay n΄ya. Matagal din niya itong pinaghandaan.
“ Sana nandito ka kuya.”
Kita sa mukha ni Eric ang pananabik sa kapatid. Magkahalong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman. Pero alam niyang masaya ang kanyang mga magulang at mga kapatid para sa kanya.
Tulad ng nakasanayan bago umalis ay nagpunta muna ito sa kwarto. kinuha ang litrato at inilagay sa bulsa. Nasa daan pa lang ay panay ang tingin niya sa litrato.
Nang makarating sa Awardings, at marinig na niya ang pangalan, nagpunta ito sa stage. Takot at kaba ang nararamdaman niya pero naisip niya ang kapatid. Dito s΄ya kumukuha ng lakas ng loob kahit nong nabubuhay pa ito.
Ala sais na ng hapon ng matapos ang celebrasyon. Hindi na ganon kataas ang araw pero naisip pa din niyang dumaan sa pinaglibingan ng mga magulang at kapatid, upang doon magpalipas ng oras.
“Mama, Papa, Bunso, Kuya!” sabi niya habang nakaupo at nakatingin sa langit.
“Alam ko naririnig n΄yo ako. Kayo ang dahilan kung ano at sino ako ngayon, malamang kung wala kayo, wala din ako. Kaya sa inyo ko idinededicate ito.”
Naalala n΄ya bigla si Nick ng mapatingin siya sa paglubog ng araw. Ito kasi ang paborito niyang parte ng maghapon. Ayon dito, sa paglubog ng araw dala nito ang mga bagay na gusto na niyang kalimutan sa maghapon.
Habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw naisip niyang tapusin na ang ginagawa niyang nobela. Agad itong kumuha ng ballpen at papel sa bulsa at agad na nagsimulang magsulat.

“…Hindi ito tulad ng inaasahan ko, akala ko katapusan na ng lahat ng mawala ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang pagkamatay ng mga kapatid ko. Parang isang taglagas ang buhay ko. Pero hindi ito katapusan ng lahat, isa itong simula. Nang mamatay ang nakatatandang kapatid ko, sakit at pangungulila ang naramdaman ko pero maraming bagay pa ang iniwan niya sa akin, mga bagay na dahilan para magsaya at magdiwang. Matagal bago ko ito naunawaan. Bakit sa kabila ng pangungulila pakiramdam ko masaya ako, sa kabila ng sakit na nararamdaman ko may dahilan pa para magdiwang ako. Lahat ng ito itinuro ng kapatid ko. At ang pagtanggap sa sariling kapalaran at pagmamahal ng sobra sa buhay ang pinaka magandang iniwan sakin ng kapatid ko at kailan man hinding hindi ko ito kalilimutan.”

Mary Rose Magnaye


ALWAYS THERE FOR ME
Mary Rose R. Magnaye
“Nasa kolehiyo na ako Mama, malapit ko nang matupad ang hiling at pangarap mo po para sa’kin.”
Si Raquel ay isang mag-aaral na nakatapos ng elementary at high school na may iniuuwing parangal dahil sa kasipagan nito sa pag-aaral. Hindi likas na matalino si Raquel suballit isa siyang masipag na bata at masinop sa pag-aaral kaya naman nagiging angat ito sa iba niyang kamag-aaral.
Nagsimula ang lahat nung nasa kalhatian pa lang ng taon na nasa ikatlong baitang pa lang siya. Malapit si Raquel sa mga magulang nya. Palibhasa ay naranasan ang pagiging solong anak kaya naranasan niya na sa kanya nakatuon ang atensyon ng mga magulang nito. Masayang pamilya sila noon hanggang sa ipinanganak ang kapatid nitong si Blue. Naging delikado ang panganganak ni Ayet sa bunsong si Blue. Dumating sila sa oras na pipipli sila kung kaninong buhay ang maisasalba ng doktor, kung buhay ni Ayet o buhay ng baby nito. Bilang asawa (Jake) at anak (Raquel), buhay ni Ayet ang pinili nila subalit wala na silang nagawa nang mas piliin ni Ayet ang buhay ng baby kaysa sa buhay niya. Iyak lang ng iyak si Raquel habang ipinapanganak si Blue at hindi naman mapakali si Jake na pabalik-balik ng lakad at tuloy ang panalangin na iligtas ang kanyang mag-ina.
Paglabas ng doktor ay may mabuting balita itong hatid sa mag-ama. Buhay ang bata at ganun din ang nanay nito. Nabuhay ng maayos ang pamilya hanggang sa magkasakit si Ayet makalipas ang tatlong buwan nitong panganganak. May kinalaman sa panganganak nya ang dumapong sa kanya. Lumipas ang dalawang buwan pa at hinang-hina na si Ayet na para bang bibigay na talaga ito. Nang maramdaman niyang parang hindi na niya kaya, kinausap niya ang lahat. Matapos niyang kausapin ang magulang at asawa ay si Raquel naman ang kinausap niya. “Raquel, anak, huwag mong papabayaan ang pag-aaral mo ha. Huwag mo ring papabayaan ang kapatid mo, kailangan mo siyang gabayan sa paglaki niya. Hmmp, akala ko makikilala ko pa ang maswerteng lalaki na magiging parte ng buhay ng prinsesa namin sa paglaki niya, kaso mukhang malabo na atang mangyari pa ‘yun. hehe” aniya sa hinang-hinang boses. “Mama naman eh, ano po bang pinagsasabi niyo? Matagal ka pa po naming makakasama. Maglalaro pa tayo nina papa at Blue ‘di po ba? Papa si Mama oh, kung anu-anong pinagsasabi”, sagot ni Raquel sa Mama niya habang pigil-pigil ang pag-iyak. “Bakit po ba kayo nag-iiyakan? Papa? Mama? Hayan pati tuloy sila naiiyak na. Malakas ka pa po Mama ‘di po ba?” dugtong pa nito. “Raquel, baka mapagod na ang Mama mo”, sambid ng lola nya na ngayon ay naiyak na rin. “Lola, malakas pa po si Mama. Bakit po ba kayo umiiyak? Mama sabihin mo nga po sa kanila na malakas ka pa. Mamaya lang po ay uuwi na po tayo. Lola, nagpapahinga lang po dito si Mama”, sunod-sunod na sagot ni Raquel. Lalong nag-iyakan ang lahat ng nandoon nang ganito ang sinabi ng bata. “Halika ka nga dito baby ko!” Utos ni Ayet na hinawakan pa ang kamay ni Raquel. “Anak, huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa iyo ha. Ang pag-aaral mo, ang kapatid mo”, dagdag pa nito na pinayapos sa kanya si Raquel. “Mahal na mahal kita anak, kayo nina Papa at baby Blue. Mahal na mahal ko kayo”, dagdag pa nito sa mas nanghihinang boses kumpara sa pagsasalita nito kanina. Hindi na napigil ni Raquel dito ang luha niya na tuloy-tuloy na ang agos sa kanyang pisngi. Mahigpit ang pagkakayakap ng mag-ina sa isa’t-isa ng unti unti ay lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ng kanyang ina at tuluyan ng bumagsak ang kamay nito sa kanyang hinihigaan. Naramdaman ito ni Raquel at dito ay tuluyan ng sumigaw ang bata. “Mama, wag mo po akong iwan. Mahal na mahal po kita Mama. Mama!”
Pagpasok ni Raquel muli sa paaralan ay nagsipag na ito ng nagsipag sa pag-aaral. Mula sa paaralan hanggang sa bahay ay hindi nawawala ang pag-aaral niya na minsan ng ikinakatakot ni Jake dahil hindi na nakakapaglaro ito kahit udyukan pa siya nito. Hindi rin pinapabayaan ni Raquel ang bunsong kapatid nitong si Blue. Dahil sa pagtutuon sa pag-aaral, nakatapos ng elementary at high school si Raquel na pinakamagaling sa buong klase nila.
Nasa kolehiyo na siya ngayon. Dalagang-dalaga na ang dating nito. Maputi at makinis ang balat, may taas na 5’4 ft, ang buhok nito ay may pagkakulot na bagay naman sa kanya. Mas gumanda ito ngayong dalaga na siya subalit hindi siya tulad na iba na sobrang nag-aayos ng sarili at maporma. Likas na maganda ito. Simple lang siya kung manamit ngunit kahit ganun ay marami pa ring nagtatangkang manligaw dito. Hindi rin naman kataka-taka iyon dahil bukod sa matalino at mabait, maganda at matulungin din ito, sobrang maaalalahanin sa pamilya at sobrang pinapahalagahan ang pag-aaral niya kaya wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon. At dahil dito, kahit gaano pa kadami ang manliligaw nito ay walang nakakapagpasagot dito. May mga napapalapit sa kanyang lalaki subalit hanggang kaibigan lang talaga ang mga ito para kay Raquel.
Taga San-Andres, Quezon sila at sa SLSU Lucban siya nag-aaral ng kolehiyo. Sa pagkakataong ito ay napahiwalay na siya sa kanyang pamilya. Dahil sa malayo ang tirahan ng mga ito ay kailangan niyang mangupahan sa Lucban. Sa paupahan ng mga lalaki at babae siya napunta. Pumasok siya sa kolehiyo ng inhenyera (College of Engineering) at dito, nakilala niya ang best friend niyang si Marvin. Katulad niya ay masipag din itong mag-aaaral pero hindi siya yung “nerd” na matatawag. Gwapo ito kaya hindi rin maiwaisan na gumagawa siya ng kalokohan pero hindi niya idinadamay ang best friend niyang si Raquel at sa halip ay siya pa ang taga-pagsaway sa mga nagtatangkang i-discourage si Raquel. Naihihiwalay niya ito nung una, hanggang sa maging barkada ni Raquel ang grupo ni Cherry. “Uy! Raquel! Kamusta ka na? Ang sipag-sipag mo naman. Hanggang ngayon ay gumagawa ka pa rin niyan”, ani Cherry kay Raquel na gumagawa ng takdang aralin. “Ano ba yan Raquel?” dagdag pa nito na tiningnan ng konti ang ginagawa ni Raquel. “Ahh! Takdang aralin namin ito”, sabi ni Raquel na may kasamang ngiti. “Ang sipag mo naman. Tara! Sama ka na muna sa amin para makapagrelax ka naman”, ani Cherry. “Ahh! Hindi pwede eh. May gagawin pa kasi ako pagkatapos nito. Pasensya na.”, pagtutol namang sagot ni Raquel. “Sige na Raquel, ngayon lang naman eh. I-regalo mo na lang sa akin ang pagsama mo, birthday ko kasi ngayon eh. Sige na, sumama ka na. Please!” pamimilit pa ni Cherry. “Eh kasi” sagot pa lang ni Raquel nang biglang nagsigawan ang barkada ni Cherry. “Sasama na! Sasama na! Sasama na!”. Dahil sa pangugulit nina Cherry ay sumama na rin si Raquel. Wala ang best friend nitong si Marvin kaya walang nakahadlang sa pangungulit na iyon nina Cherry kay Raquel.
Nagpunta sina Raquel sa isang bar at dito ay tinuruan siyang mag-inom ng bardada ni Cherry. Dito rin niya nakilala ang gwapong barkada ni Cherry na si Blaide.
Hindi lang isang beses nangyari ang pagsama ni Raquel sa mga lakad ng barkada ni Cherry at habang tumatagal ay wala nang nagagawa pa si Marvin para pigilan ang kaibigan. Nuong una ay kapag wala lang pasok gumigimik ang mga ito subalit hindi nagtagal ay gumigimik na rin sila kahit pa may pasok kinabukasan at dahil dito, naging boyfriend ni Raquel si Blaide. Simula nang maging sila ay lumipat na sa inuupahang bahay nina Raquel si Blaide na naging dahilan ng araw-araw na pagsasama ng dalawa
Sa tuwing pupunta si Marvin sa inuupahang bahay ng kaibigan ay laging wala ito at kasama sina Cherry at ang boyfriend nitong si Blaide. Kakausapin na dapat niya si Raquel tungkol sa napapabayaan na nito ang pag-aaral niya. May mga oras din naman na inaabutan niya ito sa tinutuluyan ngunit tulog naman ito at namamahinga kaya hindi na rin niya ito nakakausap. Walang magawa si Marvin para sa kaibigan. Alam niyang halos hindi na nakakapag-aral ito at laging puyat dahil sa gimikan. Halos hindi na rin sila nagkaka-jamming dahil sa tuwing magkakabakanteng oras sila ay laging kasama ni Raquel si Blaide.

Malapit na ang pagsusulit at halos tuloy-tuloy pa rin sa gimikan si Raquel. Alam ni Marvin na hindi nagrereview ang kaibigan kaya ginagawa niya ang lahat ng paraan para makausap ito subalit wala talagang nangyayari.
Hindi nagtagal at dumating na ang linggo ng pagsusulit. Kampante si Marvin sa sagot niya pero nag-aalala siya para kay Raquel.
Matapos ang linggong iyon, nakita na nila ang resulta ng exam nila. Matataas ang nakuha ni Marvin subalit hindi siya masaya dahil alam niyang mabababa ang nakuha ng kaibigan niyang si Raquel. Hinanap niya si Raquel at nakitang kasama ito ni Cherry at ng boyfriend nitong si Blaide. “Ayos lang `yan girl, isang exam pa lang naman `yan e!” sabi ni Cherry kay Raquel habang pinipispis ito. “Oo nga naman mine, `wag mong kadibdibin `yan. Tutal wala na rin naman tayong magagawa dyan e! Magpakasaya na lang tayo kesa isipin pa natin ‘yan”, sabi ni Blaide habang nakaakbay kay Raquel. Sa mga narinig na maling pag-uudyok kay Raquel ay tuluyan ng tinungo ni Marvin ang direksyon ng mga ito. Hinawakan nito sa kamay si Raquel, “Raquel, kailangan nating mag-usap” aniya. Nang tangka na nitong hilahin si Raquel ay hinampas ni Blaide ang nakahawak nitong kamay kay Raquel. “Bitawan mo nga ang girlfriend ko!” pautos na sabi ni Blaide. “Pare, ano bang problema mo?” sagot ni Marvin sabay tulak kay Blaide. “Ano ba? Itgil niyo nga `yan”, utos ni Raquel na pumagitna pa sa dalawa. “Raquel, kelangan nating mag-usap”, ani Marvin na hinawakan muli sa kamay ang kaibigan. Sa pagkakataong ito, sinuntok bigla ni Blaide si Marvin. Gumanti rin ng suntok dito si Marvin. Ilang suntok din ang pinakawalan ng dalawa sa isa’t-isa. Animoy dalawang magkalaban sa pelikula ang dalawa sa pag-aaway nilang iyon. Walang magawa si Raquel at Cherry sa pag-awat sa mga ito. Tuloy ang suntukan ng dalawa kahit magsisigaw pa si Raquel sa pag-awat. Ilang saglit pa at natumba na si Marvin. Dumugo ang nguso nito at pumasa agad ang pisngi. Ganun din naman ang natamo ni Blaide sa kanya. “Ano? Tumayo ka dyan! Hanggang dyan ka lang pala eh, Tayo!”, ani Blaide na animoy osong galit na galit. Dito lang muling nagkaroon ng pagkakataon para pumagitna sina Cherry at Raquel. Si Cherry kay Blaide at si Raquel kay Marvin. “Blaide ano ba? Kakausapin lang naman daw nya ako ah!” ani Raquel habang hawak-hawak si Marvin at nakatingin kay Blaide. “Mine, mas pipiliin mo `yang talunan na `yan kesa sa`kin?” ani Blaide habang pigil-pigil pa rin ni Cherry. Masamang impluwensya ka lang kay Raquel! Gusto mo lang mapariwara ang buhay niya! Makasarili ka! Sarili mo lang iniisip mo!” ani Marvin na hawak pa rin ni Raquel. Medyo natauhan si Raquel sa sinabi ng kaibigan. Akmang susugudin at susuntukin ni Blaide si Marvin ng biglang tumayo sa harap nito si Raquel para harangan ito patungo kay Marvin. “Tama na Blaide, kung susuntukin mo siya, suntukin mo na rin ako!” ani Raquel. “Mine, hindi ko akalaing mas gusto mo pala ang talunan na tulad ‘yan (dinuro si Marvin at may diin sa salitang talunan). Fine, bagay naman kayo eh, looser (may diin sa salitang looser). Magsama kayo!”, ani Blaide na gigil na gigil at tsaka lumayo na kasunod si Cherry. Tatayo na sana si Marvin para sugudin muli si Blaide subalit pinigilan siya ni Raquel, “Marvin ‘wag na. Please, tama na”, sambid nito habang nakatalikod parin kay Marvin. Tumulo na ang luha ni Raquel pagkaalis pa lang ni Blaide. Nang maramdaman niyang palapit sa kanya si Marvin ay pinahid niya agad ang mga luha niya. “Raquel”, ani Marvin sabay hawak sa balikat ng kaibigan. “Ayos ka lang ba? Nasugatan ka pa tuloy”, ani Raquel na hinawakan sa pisngi si Marvin kung saan nagkasugat ito. “Pagpasensyahan mo na si Blaide ha”, dagdag pa nito na pinipigil ang pag-iyak. “Wala akong pakialam kay Blaide o kung kanino man. Sa`yo ako may pakialam Raquel”, ani Marvin na hinawakan pa ang kamay ni Raquel na nakahawak sa pisngi nito. “Simula ng maging barakada mo sina Cherry at maging boyfriend mo `yang Blaide na ‘yan, napabayaan mo na ang pag-aaral mo. Nakalimutan mo na ba ang sabi sa`yo ng mama mo?” dagdag pa nito. “Si mama”, mas lalong natauhan na sabi ni Raquel. “Mama, patawad po mama, patawarin niyo po ako”, dagdag pa nito na tuluyan ng tumulo ang kanina pang pinipigil na luha. Sa pagkakataong ito ay niyakap na ni Marvin ang kaibigan. “Tutulungan kita Raquel, ‘wag kang mag-alala. Nandito lang ako”.
Matapos nito, nakipaghiwalay na si Raquel kay Blaide at tumiwalag na sya sa grupo ni Cherry. Dahil dito, lagi siyang pinaparinggan at sinisiraan ng mga ito pero andyan pa rin si Marvin. Lagi pa rin siyang ipinagtatanggol at tinutulungan para makahabol sa mga aralin na hindi niya gaanong naintindihan nung nasa barkadahan pa siya ni Cherry. Mahal na ni Marvin si Raquel pero isinasantabi muna niya ang nararamdaman para dito para makapagfocus muna sila pareho sa pag-aaral nila at dahil na rin ayaw na niyang magkaroon pa ng iba pang isipin si Raquel bukod sa pag-aaral at pamilya niya. Handa siyang mag-intay kahit gaano pa katagal. Sa ngayon ay ayaw muna niyang may makakasagabal sa pagtupad ni Raquel sa pangarap nito.
Lumipat na rin siya sa paupahan na puro babae lamang. Nang medyo nakakahabol na ulit siya ay binisita siya ni Jake at ni Blue. Walang alam ang mga ito sa nangyari at napagdesisyunan nina Raquel at Marvin na huwag na lamang ipaalam ang nangyaring iyon para hindi na mag-alala pa ang mga ito. Nagbonding ang buong pamilya na kasama si Marvin at nagpunta sila sa Groto para na rin ipagdasal ang Mama Ayet ni Raquel at ganun na rin ang pagdating ni Marvin sa buhay niya.

… W A K A S …

Renz Darwin Reyes


FRAGILE
(This Side Up)

By: Renz Darwin Reyes

“Daddy andyan na ang LBC!” sigaw ng aking kapatid. Kasalukuyan akong tumutugtog ng gitara noon. Hindi ko alam kung bakit may LBC, Lumabas ako para tignan kung ano iyon. Dumating na naman pala ang package na padala ni nanay. Padalawang beses na niya iyon ginagawa ngayong taon. Tatlong malalaking kahon ang lulan ng delivery van. Mukhang mabigat ang bawat kahon. Anu nga kaya ang laman noon… T.V., Washing Machine...? Nasasabik na kaming makita ang mga laman ng kahon.
Ako ang pumirma ng mga papeles na kailangang pirmahan. Kasama din ako sa picture para malaman na natanggap namin ang mga package; pagkatapos ay ipinasok namin iyon sa loob ng bahay. Tulong- tulong kami. Mabigat nga. Parang may kung anu sa loob. Dali- dali namin itong ipanasok sa loob ng bahay at dahan-dahang ibinaba sa may salas. Isa-isa naming binuksan ang kahon.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng magkaroon ng magulang na nasa abroad. Tuwing nakikita ko ang aking mga kaklase na may mga dala-dalang imported na pagkain at gamit, inggit at selos ang aking nararamdaman. Noon nga ay tinatanong ko pa sa aking sarili kung kailan ba pupunta ng abroad si nanay o si tatay. Gusto ko rin kasing magkaroon ng mga gamit na katulad ng sa aking mga kaklase. Para bang napakasarap sa pakiramdam kapag katulad ka nila. Oo nga at nakatanggap din ako ng mga gamit galing abroad pero galing lang sa mga kamag-anak. Iba pa rin kapag magulang mo ang talagang may dala.

Hindi man nangibang bansa ang aking magulang noon, pinipilit nilang ibigay hindi lang ang mga pangangailangan namin kundi pati narin ang luho. Napakasuwerte ko nga dahil sila ang mga naging magulang ko. Ang ligaya na dulot nila ay hinding-hindi ko makakalimutan. Ibang saya ang nararamdaman ko kapag andyan sila. Hindi ko ba maipaliwanag. Napakarami na nilang nagawa para sa amin. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ko nga ba huling nasabi na mahal na mahal ko sila. Hindi naman kasi ako masalitang tao . Lahat ng gusto kong sabihin sa kanila ay para bang baduy pakinggan kaya hindi ko na lang sinasabi. Hanggang ngayon nga hindi pa rin nila alam kung gaano ko sila kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng ginawa nila para sa akin at sa mga kapatid ko. Magkakasama naman kami bakit hindi ko pa magawang sabihin ang napakaiksing salita na yun….
Dumating nga ang araw na nagkatotoo ang aking pangarap. Umalis ang aking ina at pumunta ng ibang bansa para doon magtrabaho. Natuwa ako dahil isang pangarap ko ang natupad. Sa wakas, may magpapadala na sa akin ng mga gamit at pagkaing imported. At ang maganda pa, hindi basta kamag-anak lang ang magpapasalubong sa’kin kundi sarili ko ng magulang. Tiyak kong napakadaming pasalubong ang matatatanggap ko mula kay nanay.

Binuksan na namin ang unang kahon. Kaasar! Halos mga pangbabaeng damit ang laman. Mga gamit pala iyon ni nanay. Ang iba ay mga dala pa niya ng umalis siya sa Pilipinas. Mga duster, t-shirts, pantalon, at mga blouse. Ipinauwi na niya iyon. Hindi nasiguro niya gagamitin dahil marami na siyang nabiling mga bagong damit doon. Pati nga yung jacket na suot niya ng umalis siya ay kasama sa kahon.

Tanda ko pa noong dumating ang kanyang visa, tuwang-tuwa kami! Sa sobrang kaligayahan ay hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin. Tinawagan ang mga kamag-anak para ipaalam ang nangyari. Bumili ng mga dadalhing mga gamit. Siyempre kasama kami sa pamimili kaya pati kami ay naibili ng gusto din namin. Ako ang pumili ng jacket na isusuot niya pag-alis. Saktong sakto lang ang napili ko. Tamang tama pa sa klima doon. Naks… (syempre kailangan kong magpalakas kay nanay!)
Habang lumalapit ang araw ng pag-alis ng aking ina, parang may mali sa mga nangyayari. Parang may gusto akong gawin na hindi ko naman malaman kung ano. Parang may gusto din akong sabihin kay nanay na hindi ko naman masabi. Hay..makatapos magmuni-muni, natukyan ko din ang bumabagabag sa akin.parang gusto ko siyang pigilan at sabihing wag na lamang umalis at sa halip ay dumito na lang siya sa Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit para bang nag-iba ang nararamdaman ko. Hindi naman ako dating ganito. Gusto ko pa nga noon na umalis sila eh pero bakit bigla na lang nag-iba, ngayon pang planado na ang pag-alis niya.”Nay… pwede bang dito ka na lang” ang mga katagang naglalaro sa aking isipan ng mga sandaling iyon.
Inihatid na namin si nanay sa airport. Madaling araw pa noon. Kulang na kulang ang tulog ko. Agad kaming bumaba sa sasakyan ng marating naming ang paliparan. Ako na ang nagdala nang isa sa mga maletang dadalhin niya. Habang hawak ko iyon ay para bang ayaw ko na itong bitawan. Ayoko ng umalis siya. Ngunit alam kong wala na akong magagawa para pigilan ang pag-alis ni nanay. Wala nang atrasan,ang nawika ko sa aking sarili. Halata din sa mga mata ni nanay na labag sa kanyang kalooban ang kanyang gagawin ngunit nanaig sa kanya ang pagmamahal sa amin sapagkat alam nya na ito ang makabubuti para sa aming lahat. Iniabot ko sa kanya ang maleta at doon nagpaalam kami sa isa’t isa. Noong ko lang siya nagawang halikan sa pisngi. Nahihiya pa nga ako pero ginawa ko iyon para maipalam sa kanya na mahal ko siya . Ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa isang importanteng tao sa buhay mo, sabihin na natin na one text o one call lang ang layo ni nanay sa amin, iba pa din ang nadyan sya.
Noong unang linggo niya doon ay panay ang tawag niya sa amin. Nalulungkot siya dahil wala nga siyang gaanong kakilala doon. Kahit sa telepono lamang kami magkausap ay dama ko ang pangungulila niya. Sabi pa nga ng tatay ko, kung gusto niyang umuwi ay ayos lang kaysa naman andoon siya at nahihirapan. Ramdam ko ang kalungkutan sa mga palitan nila na salita. Ngunit naging matapang siya. Habang tumatagal ay nakikilala niya ang iba pang Pilipino doon. Halos mga kababayan din namin pala sila. Dumalang na ang pagtawag ni nanay sa amin. Hindi ko alam kung masisiyahan ako dahil nakakaya na ni nanay ang pangungulila o malulungkot sapagkat pakiramdam ko ay natutuhan na niya kaming tiisin.Ngunit naiintindiahan ko naman siya. May trabaho siya doon kaya kailangan hatiin ang oras para kumita ng pera para maipadala sa aminat para maipangtustos sa aming pagaaral.

Ang ikawalang kahon naman ay puro de lata at pagkain ang laman. corn beef, sausage, ham, toothpaste at marami pang iba. Napakarami. Hindi ko na mawari kung paano namin mauubos ang lahat ng padala ni nanay. Baka maexpire lang yung iba kaya ipamimigay na lamang namin sa mga kamag-anak.


Napakaraming mga gamit. Tuwang tuwa sila. Pero may isang kahon pa na hindi nabubuksan. Anu naman kaya ang laman noon? Nang buksan na namin ang kahon, doon bumungad ang pagkalalaking tsokolate at mga bagong damit. Napakarami. Ang iba nga ay na-deform na. Mukhang masasarap lahat. May puti, itim at may puro pa ngang tsokolate na walang halong asukal. Gusto ko nang tikman lahat!.

Matagal-tagal na rin siyang nagtatrabaho doon. Hindi pa rin siya umuuwi. Kahit nga noong gumradweyt ako ng hayskul ay hindi siya umuwi. Malungkot ako noon dahil hindi kumpleto ang aking pamilya. Ngunit hindi ko siya dapat sisihin. May trabaho siya roon at hindi niya ito maaring iwan. Isa pa mahal ang pamasahe mula London pauwi nang Pilipinas. Habang nakikita ko ang aking mga kaklaseng kumpleto ang magulang, na may nanay at tatay, ay sobrang naiinggit ako. Sabi ko sa sarili ko ay sana nandito rin siya. Napakalungkot, dapat sana ay hindi ko na pinangarap na umalis ang aking magulang papuntang abroad. Gusto kong umiyak pero nahihiya ako. Sayang nga lamang at wala siya roon. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya. Hindi sapat ang isang beses na pasasalamat sa pagsasakripisyo niya para pagtapusin ako ng pag-aaral. Kahit na ganito lang ako ay sinuportahan pa rin niya ako. Hindi niya ako pinabayaan. Kahit na nag-iisa lang siya ay patuloy siyang kumakayod para ibigay ang aming nais.

Kumuha ako ng isang gamit sa loob ng kahon. Isang imported na jacket. Napakaganda. Tamang-tama dahil malamig sa Lucban. Magagamit ko iyon. Puwede ring pang porma at panggala tuwing gabi kung malamig. Ngunit hindi lang iyon ang pumasok sa aking isipan. Biglang naisip ko, si nanay kaya, hindi ba siya nilalamig doon? Di hamak naman na mas malamig doon kaysa sa Lucban. Baka nilalamig siya doon ngayon.

Tuwing dumadating ang package na padala ni nanay para sa amin, tuwang-tuwa kami dahil sa wakas ay may mga bagong damit at mga imported na pagkain na naman kami. Dama ko ang kasiyahan ng aming pamilya sa nataggap na mga pasalubong. Kahit ako ay tuwang-tuwa rin. May maipagyayabang na naman ako sa aking mga kabarkada. Maiinggit na naman ang mga tsismosa naming kapitbahay. Sasabihin na naman nila “wow bago, pa cheeseburger ka naman!” Ngunit ang kasiyahan ko ay panandalian lamang. Natatalo ito na kalungkutan at pagnanasang umuwi si nanay at siya ang may dala ng mga pasulubong na iyon. Kung cheeseburger lang naman ang tutumbas sa pangungulila ko sa aking ina, napakarami ko ng cheeseburger na nakain. Hindi ko masukat kung gaano ako nangungulila sa kanya. Sobra, ang tanging salitang kaya kong sabihin. Hindi matutumbasan ng materyal na bagay ang pwedeng pumuno sa nararamdaman ko.
Kapag nga tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong ipabili sa kanya, wala akong maisagot. Alam kong kapag may hiningi ako sa kanya, gagawa siya ng paraan para maibigay ito. Kung kailangang magtrabaho siya araw at gabi ay gagawin niya maibigay lang ang gusto ko. Sasabihin ko na wala naman akong kailangan. Pero ang totoo ay meron. Hindi ito bagay. Ang gusto ko lang naman ay palagi siyang mag-ingat doon. Wag niyang pababayaan ang kanyang sarili dahil marami pa akong hindi nasasabi sa kanya. Mas gusto ko pang walang ganoon karaming gamit na imported kaysa naman magkasakit siya sa kakatrabaho doon para lang mabili ang gusto namin.
Napakahirap ng gingawa niya para sa amin. Kung minsan nga ay sinisisi ko ang aking sarili dahil hindi ko mapahalagahan ang ginagawa niyang pagsisikap para lamang itaguyod kami. Nagkakanda kuba na siya sa pagtatrabaho pero nagpapasarap buhay lang ako dito, nagpapakasasa sa mga pinapadala niya. Hindi ko man lang iniicip na dugo at pawis ni nanay ang ipinambili ng mga gamit na tinatamasa ko ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakaranas ng ganito kasarap na buhay.
Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil hindi ko masuklian ang ginagawa niya. Ang gusto lang naman niya ay mag-aral ako ng mabuti ngunit hindi ko magawa. Napakalaki ng utang na loob ko sa aking nanay. Dapat ay gumawa ako ng paraan para maibalik ang lahat ng iyon.
Malayo man siya sa aming piling. Pipilitin naming maging matatag, at sana ay ganoon din siya. Hindi ko man masabing mahal na mahal ko siya. Sa aking puso ay hindi mahahadlangan kahit dagat pa ang aming pagitan. Kinailangan niyang makipagsapalaran para sa aming magandang kinabukasan. Kaya dapat kong pagbutihan ng sa gayon sa pagtanda nila ako naman ang pupuno sa kanilang pangangailangan.Maaring ang kinabukasan ay walang katiyakan kaya kailangan nating makipagsapalaran. Ang pag-ibig ay walang hanggan at siguradong wala ditong makakahadlang..

Napakabilis talaga ng takbo ng panahon. Halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula noong huli kong nakita si nanay. May telepono nga at internet kung saan kami ay nakakapag-chat, ngunit hindi sapat iyon. Limitado ang oras na magkausap kami. Hindi sapat iyon para masabi kong mahal na mahal ko siya, na matagal ko na iyong gustong sabihin ngunit hindi ko magawa. Mas lalong naging mahirap para sa akin na sabihin ko na mahal ko siya dahil bihira na kaming magkausap. Ang simpleng “I Love You!” ay hindi ko pa rin mabanggit sa kanya. Kahit nga ang tanungin kung kumakain ba siya ng tama sa oras ay hindi ko rin magawa. Hindi ko masabing nagaalala ako para sa kanya.

Napakarami pang laman ng kahon. Magaganda at mukhang mamahalin lahat. Akala namin ay wala ng laman ang kahon pagkatapos naming ilabas lahat ng mga padalang gamit. Ngunit napansin ng aking kapatid ang isang sulat na sa pinakailalim ng kahon. Sulat ito ni nanay. Sabi niya sa sulat na ingatan namin ang mga padala niya. Sana raw ay maging masaya kami. Ngunit may sinabi siya sa huli. Hindi pa daw bayad ang ibang laman ng package. Nagulat kami sa sinabi sa sulat ngunit napansin kong may nakasulat pa pala sa kabila ng papel. Isang napakalaking “JOKE LEMENG!”. Sabi ko sa aking sarili, “Si nanay talaga. Kahit alam naming nahihirapan na siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa, nagagawa pa rin niyang magbiro para maikubli ang kalungkutang kanyang nadarama. Hay naku makabalik na nga lang sa paggigitara at makapagcompose ng kanta. Kapag natapos ko iyon ay ipapadala ko sa kanya. Baka sa kaling doon ko maipadarama at doon ko maipapakita na mahal na mahal ko siya”.

Sunday, October 5, 2008

Donna Melanie Abanilla

B1 at B2
donamLny.*

Ayon kay George Washington, “Friendship is a plant of slow growth and must undergo and withstand the shocks of adversity before it is entitled to the appellation.” Tama naman ‘di ba? Ang pagkakaibigan daw ay parang isang halaman na kinakailangang alagaan upang malampasan nito ang lahat ng hamon at pagsubok ng panahon. Ang pagkakaibigan ay isang relasyon sa pagitan ng dalawang tao na may mabuting intensyon para sa isa’t-isa at ito ay isang kondisyon ng pagiging isang kaibigan o pagiging magkaibigan. Ito din ay isang relasyon na may pareho o tulad na kaalaman, respeto at apeksyon ang isa’t-isa. Ito din ang pagbibigay ng tulong sa isa sa oras na kailangan nito at sa oras ng kagipitan. Para sa madami, ang pagkakaibigan ay nagsisimula at nabubuo sa tiwala ng bawat isa.

Pero ano ang kaibigan? Para sa akin ang kaibigan ay isang tao na handang sumuporta sa’yo at handang tumulong ng walang kapalit. Siya ay ‘yung tao na maaari mong malapitan sa oras ng kagipitan. Ang kaibigan ay ang tao na handang tumanggap sa’yo at magbigay ng suporta kahit sino at ano ka pa man. Ang magkaibigan ay madalas na may parehong kagustuhan o pangarap sa buhay at madalas din na magkasama sila sa kasiyahan, minsan pati na rin sa kalungkutan. Nagbibigay sila sa isa’t-isa ng mga payo na maaaring makatulong sa bawat isa. Sila din ang nagdadamayan sa oras na kailangan nila ang isa’t-isa.

Madaming uri ng kaibigan ayon sa nabasa kong blog. Sa pagbabasa ko napagisip-isip ko na tama naman ang nais niyang iparating. Sa dami ng nakakasalamuha natin at nagiging kaibigan makikita natin sa kanilang pakikitungo kung anong uri sila ng kaibigan. Andyan ang Kaibigan Pang-Isang Term. Nakilala mo lang sya dahil sa kaklase mo sya para sa isang term. Siya eh yung tao na madalas mong makausap tungkol sa subject kung san kayo magkaklase. Nagkakatext-text kayo tungkol sa mga dapat gawin at isubmit para sa subject. Tuwing nagkikita kayo madalas kayong mag-ngitian at mag-hi at hello sa isa’t-isa. Nagturingan kayong magkaibigan para sa isang term pero pagkatapos ng term na iyon eh balewala na ang pagiging magkaibigan niyo. Bigla na lang nawala ang closeness niyo at parang hindi kayo magkakilala pagkatapos ng term. Andyan din ang mga Kaibigang Pang-Hi at Hello. Siya eh yung tao na kahit hindi na kayo magkaklase eh hindi pa din nakakalimot bumati ng hi o hello sa’yo at ikaw naman hindi din nakakalimot. Kaya ayun, ngiti d’yan, ngiti doon pero hanggang dun lang kayo dahil wala naman talaga kayong bond na pinanghahawakan.

Sa dami ng kaibigan mo siguradong may kaibigan ka dahil sa mga kaibigan mo. Tawagin natin silang Kaibigan ng Kaibigan. Ipinakilala lang s’ya sa’yo ng mga kaibigan mo. Pinipilit mong makisama sa kanila dahil sa kaibigan mo. Pwede din silang matawag na kaibigang pang-hi at hello. At meron din namang mga tao na sadyang hindi mo feel pero kailangan mong makipag-kaibigan sa kanila. Sila eh yung mga Kaibigang Kaaway. Pag magkausap kayo lahat ng bagay ay napagkakasunduan nyo, feeling nyo close na close kayo pero sa totoo lang sukang-suka kayo sa isa’t-isa. Pag magkatalikod na kayo tsaka kayo nagsisiraan at lumalabas na lahat ng mga bagay na ayaw niyo sa isa’t-isa. Sila yung mga kaibigan na ka-plastikan mo lang.

Sa isang grupo ng magkakaibigan hindi mawawala ang mga Kaibigang Utusan, Kaibigang Feeling at Kaibigang Pa-sosyal. Ang mga kaibigang utusan eh yung mga oo lang ng oo sa mga gusto mo, na kahit na anong iutos mo eh gagawin. Sa sobrang kabaitan nila minsan napagkakamalan na silang uto-uto at naaabuso ang kabaitan nila. Ang mga kaibigang feeling naman eh yung wala ng ginawa kundi mang utos na lang ng mang utos. Sila yung feeling boss sa grupo. Gusto nila ay lagi silang nasusunod sa lahat ng mga gusto at ayaw nila. At ang mga kaibigang pa-sosyal naman eh yung mga tao na natural lang ang pagiging sosyal o nagpapakasosyal o hindi naman talaga sosyal. Sila yung makikita mong payosi-yosi para lang masabi na nagyoyosi. Sila yung madaming wants sa buhay kahit hindi importante yung mga wants nila.

Siyempre meron din yung mga naging kaibigan mo dahil may iba kang nararamdaman para sa kanila o sila naman para sa’yo. Yung Kaibigang Type mo at yung Kaibigang Type ka pero di mo Type. Tuwing kasama mo ang mga ito hindi mo alam ang gagawain mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar sa kanila at kung paano ka kikilos.

Sa lahat ng mga kaibigan mo iilan lang ang makikilala mo na totoo sa’yo. Sila ay yung mga tunay na kaibigan. Alam n’ya ang buong pagkatao mo pero tanggap ka pa rin kung ano at sino ka. Madalas mo s’yang kakwentuhan, katawanan at kalokohan sa personal, telepono, YM o kahit sa text lang. Hindi sya nakakalimot na batiin ka sa mahahalagang okasyon sa buhay mo. Tuwing may problema ka siya lang yung tao na matatakbuhan at mahihingahan mo. Handa ka nyang ipagtanggol sa lahat ng oras kahit alam nyo naman na kaya mo sarili mo. Siya ang tanging kaibigan mo na handang suportahan ka sa lahat ng bagay. Siya lang ang marunong umintindi sa lahat ng problema mo. Masaya ka tuwing kasama mo sya. Wala sikretong tinatago sa’yo, walang halong ka-plastikan, lahat tunay at lahat ay totoo.

Naalala ko tuloy ang bestfriend ko. Nakilala ko s’ya nung naging magkaklase kami noong grade 3 kami. Noon magkaibigang pang-isang term lang at magkaibigang pang-HI at HELLO lang kami. Siguro hanggang sa pagiging magkakalase lang ang samahan namin noon. Nagdaan ang ilang taon at naging magkaklase ulit kami noong first year high school. Naging magka-barkada kami at hindi nagtagal naging magbestfriend. Nung una biruan lang ang pagiging magbestfriend namin. Uso kasi ‘yun sa amin dati. Hindi talaga kami close noon sa isa’t-isa, tawagan lang namin ang “bestfriend”, masabi lang na magbestfriends kami. Pero habang lumilipas ang panahon naging tunay na magbestfriends nga kami. Naalala ko pa nga ‘yung sinabi niya dati na “bestfriends are worst enemies”, takot s’ya noon na magkaroon ng bestfriend dahil sa kasabihan na iyon. Siyempre para sa akin hindi. Ayaw kong maniwala sa kasabihan na ‘yun. Gusto kong patunayan sa kanya na mali iyong kasabihan. Hindi nagtagal ang tawagan namin na “bestfriend” ay naging katotohanan na. Naging magbestfriend na talaga kami. Kaming dalawa ang laging magkasama sa barkada, laging magkakwentuhan at magkatawanan, kaya ayun, nakuha namin ang tiwala ng bawat isa.

Ang bestfriend ko ang tanging kaibigan ko na nasasabihan ko ng mga saloobin at mga nararamdan ko. Handa s’yang makinig sa mga sasabihin ko at hindi s’ya nawawalan ng oras para sa akin. Sa lahat ng kaibigan ko s’ya lang halos ang may alam ng buong pagkatao ko. Lagi n’yang pinapalakas loob ko tuwing may problema ako. Sa kanya ako lagi humihingi ng tulong sa mga bagay-bagay pag hindi ko na alam ang gagawin ko. S’ya ‘yung kumukompleto ng araw ko, masaya ako pag andyan s’ya. Sa tagal ng aming pagkakaibigan ay para na kaming si B1 at si B2. Para na kaming magkapatid. Lagi kaming nagkakasundo sa mga gusto at ayaw namin sa isang bagay. Lagi kaming andyan para sa isa’t-isa. Hindi kami nagiiwanan kahit na may tampuhan kami. Tanggap namin ang buong pagkatao ng bawat isa.

Ako at ang bestfriend ko ay madaming pagkakatulad sa ugali kaya madali kaming nagkakaintindihan sa mga bagay bagay. Pareho kami ng gusto at mga ayaw. Pareho kaming mataas ang pride, stubborn pagdating sa pamilya, matulungin sa kapwa, mabait sa kaibigan at maalalahanin sa isa’t-isa. Sa palagay ko, ang pinagkaiba lang namin ay ang “friendliness” niya at ang lakas ng loob niya na wala ako.

Halos limang taon na ang aming pagkakaibigan at habang tumatagal lalo kaming nagiging malapit sa isa’t-isa, mas madaming bagay ang aming natutuklasan sa bawat isa, ang mga sarili naming kahinaan, kalakasan at tibay ng aming pagkakaibigan. Pero di namin masasabi na perpekto ang aming pagkakaibigan. May mga panahon na masaya kami lagi, meron din namang okay lang at meron din na nagkakatampuhan kami o nagkakagalit. Sa pagkakaibigan namin, hindi nawawala ang pagtatampuhan namin. Minsan nga sa simpleng dahilan lang. Naalala ko nung high school kami, halos isang buwan kaming hindi nagusap dahil sa simpleng tampuhan na hindi na namin alam kung ano ba talaga ang naging dahilan.

Grumaduate kami ng masaya subalit sa hindi inaasahang pangyayari ayun, nawalan kami ng komunikasyon dahil sa may boyfriend na sya at nagkasundo sila na kahit sino ay wala makakaalam ng cellphone number nila. Nagdaan ang birthday ko nang hindi manlang sya pumunta sa bahay ko. Sobrang nalungkot ako noon dahil wala ang bestfriend ko. Nakakalungkot din na isipin na kasama ako sa mga taong hindi dapat makaalam ng number nya. Hay!

At eto ngayon, college na kami. Pareho kaming nag-aaral sa SLSU. Nagulat nga ako nung unang enrolment nang malaman ko na sa SLSU din s’ya mag-aaral. Sobrang saya ko noon dahil makakasama ko ulit ang bestfrfiend ko. Sabay naming tatahakin ang landas ng pagiging college. ‘Di ba ang saya n’un? Kasama mo ang bestfriend mo sa saya at paghihirap mo sa college. Ngayong college madami ang nagbago, marami kaming nakilala na mga bagong kaibigan, maraming natuklasan sa buhay at kung ano-ano pa. Sa paglipas ng panahon hindi nawala ang madalas naming hindi pagkakaintindihan. Nitong mga nakaraang linggo may isang maliit na bagay na naman kaming hindi napagkasunduan. Naulit ‘yung nangyari sa amin nung high school, ang hindi namin pag-uusap. Katulad noon mag-iisang buwan na ang nakalipas at hindi pa din kami nag-uusap. Inaamin ko naman sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit kami nagkatampuhan, dahil ‘yun sa pagtatago ko ng sikreto sa kanya. Pero nakapag-sorry na ako. Nakakalungkot lang isipin na ang dami nang mga nangyari na hindi namin napagkwekwentuhan at napaguusapan sa loob ng halos isang buwan. Pero sa kabila ng lahat nakakatuwang isipin na kahit hindi kami naguusap ay hindi pa din nawawala ang pagpapahalaga at pagaalala namin sa isa’t-isa, na kahit sa gitna ng tampuhan hindi pa din kami nakakalimot sa mga nakasanayan naming gawin para sa isa’t-isa.

Ang sarap isipin na s’ya ang bestfriend ko. Hindi ako nagkamali nang ibigay ko ang buong pagtititwala ko sa kanya. Sobrang nagpapasalamat ako na nagkakilala at naging mag-kaibigan kami.

Ang masasabi ko lang dapat nating ingatan at alagaan lahat ng tao na nakapalibot sa atin dahil sila rin ang makakatulong at makakapagpalakas sa atin. Higit sa lahat ingatan natin ang ating mga tunay kaibigan. Sila kasi ‘yung laging andyan para damayan at pakinggan ka. Sila din ‘yung mga tao na totoo sa’yo, may magandang hangarin para sa’yo. Ang ganda kaya sa pakiramdam kung masasabi mo na may kaibigan ka, ‘yung tunay na kaibigan at meron kayong magandang pagkakaibigan, dahil ang pagkakaibigan ay isang blessing na ating natanggap mula sa Panginoon kalakip ang tunay nating mga kaibigan, mga kaibigan na sasamahan ka hanggang sa huli, ang pagkakaibigan din ay hindi natatapos, nagsisimula ito sa maliit at unti-unting lumalaki at isa ang pagkakaibigan sa kinukuhanan natin ng lakas sa pagharap sa hamon ng buhay.

Salamat B2!

Tuesday, September 9, 2008

Johanes Melwin Dayo

Ulirang Amang OFW

ni Johanes Melwin Dayo

Hindi pa man ako pinapanganak dito sa mundo ay nangingibang bansa na ang aking ama upang masuportahan kaming pamilya nya. Napakalaking sakripisyo ang mawalay sa kanyang asawa at kaming mga anak.

Tinitiis nya lahat ng hirap at kalungkutan na kanyang nararamdaman sa tuwing maaalala niya ang kanyang pamilyang naiwan dito sa Pilipinas. Binabalewala niya ang hirap ng trabaho dahil alam niya ang lahat ng kanyang dugot pawis ay nakalaan para sa kanyang pamilya.

Naalala ko nung bata pa ako ay lagi umaalis ang aking ama at inihahatid namin siya sa paliparan kasama ko ang aking sa lola paghahatid sa kanya. Sa tuwing aalis ang aking ama naiiwan ako sa pangangalaga ng aking lola at yaya. Kapag nakaalis na ang aking ama ako ay nakakaramdam ng lungkot at ako ay umiiyak. Naroon na lagi ang kalungkutan tuwing siya ay aalis at ihahatid sa paliparan. Naroon din ang tuwa sa aking mukha at pananabik sa tuwing siya ay uuwi ng Pilipinas upang makapiling siyang muli sa mahabang panahong hindi pagkikita. Sa tuwing uuwi ang aking ama, susunduin sa paliparan at pagkatapos ay pumupunta kami ng Duty Free para kumain, mamimili ng mga pasalubong na pagkain at magfamily bounding pambawi sa mga panahong hindi namin siya nakasama. Nag-aout of town kami, pagpapakasaya na muli namin siya nakapiling. Maramdaman ulit ang kanyang mga yakap sa kanyang mga bisig.

Madalas ko naaalala ang daddy ko kapag may mga okasyon tulad ng father’s day na wala siya para ipagdiriwang ang araw ng mga ama na tulad niya, para pasalamatan siya sa pagigi niyang mabuting ama sa amin. Pag kaarawan niya na hindi namin siya kasama para ipagdiriwang ang kaarawan niya. Sa tuwing araw ng pasko na dapat ay magkakasama kami kumakain ng magkakasama, para ipagdiwang ang panganakan ng Poong Maykapal, pagpapasalamat sa mga biyayang binibigay Niya sa amin. At higit sa lahat ang Bagong Taon, para harapin ang bagong bukas sa darating na taon.

Pag minsan pag naalala ko yung dad ko nakikita ko sa ibang ama yung mga gawi niya, nasasabi ko sa aking sarili parang si daddy kung magbiro at magpatawa, parang si daddy kung lumakad at gumalaw. Pag may nakita ako na mag-ama na naglalaro ng basketball ay naaalala ko yung daddy ko, yung paglalaro namin, kung paano maglaro ang daddy ng basketball. Yung bang, kung paano magdisiplina ang dad ko, paghatid at pagsundo niya sa amin sa school, mga masarap niyang luto na maiinbento, kung baga unique na recipe nya, yung pagbibiro niya sa amin, pagpapatawa niya, mga corny jokes, pagtitipid, pagiging masipag niya, pagkukwento niya sa amin ang buhay niya sa ibang bansa at kanyang mga ginagawa sa barko at maging pamimiwas nila sa karagatan kapag wala siya ginagawa at mga magandang view sa mga pinupuntahang niyang mga lugar o mga bansa. Yung pagpapaalala niya sa amin na lagi kaming mag-ingat, mag-aral na mabuti, lagi makikinig sa mommy at lagi magdasal.

Nararamdaman ko na napakalaki ang sakripisyo ang ginagampanan ng aking ama. Maraming salamat sa aking ulirang amang OFW. Ang aking ama ang Best Dad in the World.

Bakit nga ba maraming Pilipino ang nangingibang bansa, dahil ba mahirap ang buhay dito sa Pilipinas at dahil gusto nilang kumita ng malaki o dahil gusto lang takasan ang kahirapan ng bansa. Napakaraming dahilan kung bakit sila umaalis at nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ayon nga sa istatistika 1.75 milyon OFW ang nagtatrabaho sa ibang bansa at nadaragdagan ito ng 15.3 porsiyento ng bilang ng mga umalis ng bansa.

Maraming Pilipino ang nakikipagsapalaran o nangingibang bansa na hindi nila inaalintana ang sakripisyo, pangungulila at kahirapan upang kumita ng malaking sahod na pangsuporta sa kanilang mahal sa buhay. Bagamat malaki nga ang kinikita nila sa ibang bansa ay hindi pa rin mapapalitan ang pagsama-sama o pagkakabuklod-buklod ng isang pamilya. Marami rin sa kanila ang gusto lamang takasan ang kahirapan dito sa Pilipinas at magpayaman sa ibang bansa.

Ang iba naman upang maiahon ang pamilya sa kahirapan, ang pagiging breadwinner sa pamilya, matulungan ang magulang at mapag-aral ang mga kapatid. Meron din sa ating mga Pilipino na handang talikuran at isuko ang kanilang propesyon dito sa Pilipinas at ipagpalit ng ibang trabaho sa ibang bansa. Bagamat hindi natin sila masisi sa kanilang mga desisyon dahil hindi naman nila ito ginusto, iniisip lang nila ang kapakanan ng nakararami.

Marami ng mga Pilipino ang umaalis ng bansa upang magtrabaho dahil sa hirap ng buhay kaya napipilitan silang magbalat ng buto sa ibang bansa, halos 1.75 milyon Pilipino ang umaalis at nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW. Isa na nga sa 1.75 milyon Pilipino ang aking ama na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW.

Mary Rose Magnaye

ALWAYS THERE FOR ME
Mary Rose R. Magnaye

“Nasa kolehiyo na ako Mama, malapit ko nang matupad ang hiling at pangarap mo po para sa’kin.”

Si Raquel ay isang mag-aaral na nakatapos ng elementary at high school na may iniuuwing parangal dahil sa kasipagan nito sa pag-aaral. Hindi likas na matalino si Raquel suballit isa siyang masipag na bata at masinop sa pag-aaral kaya naman nagiging angat ito sa iba niyang kamag-aaral.

Nagsimula ang lahat nung nasa kalhatian pa lang ng taon na nasa ikatlong baitang pa lang siya. Malapit si Raquel sa mga magulang nya. Palibhasa ay naranasan ang pagiging solong anak kaya naranasan niya na sa kanya nakatuon ang atensyon ng mga magulang nito. Masayang pamilya sila noon hanggang sa ipinanganak ang kapatid nitong si Blue. Naging delikado ang panganganak ni Ayet sa bunsong si Blue. Dumating sila sa oras na pipipli sila kung kaninong buhay ang maisasalba ng doktor, kung buhay ni Ayet o buhay ng baby nito. Bilang asawa (Jake) at anak (Raquel), buhay ni Ayet ang pinili nila subalit wala na silang nagawa nang mas piliin ni Ayet ang buhay ng baby kaysa sa buhay niya. Iyak lang ng iyak si Raquel habang ipinapanganak si Blue at hindi naman mapakali si Jake na pabalik-balik ng lakad at tuloy ang panalangin na iligtas ang kanyang mag-ina.

Paglabas ng doktor ay may mabuting balita itong hatid sa mag-ama. Buhay ang bata at ganun din ang nanay nito. Nabuhay ng maayos ang pamilya hanggang sa magkasakit si Ayet makalipas ang tatlong buwan nitong panganganak. May kinalaman sa panganganak nya ang dumapong sa kanya. Lumipas ang dalawang buwan pa at hinang-hina na si Ayet na para bang bibigay na talaga ito. Nang maramdaman niyang parang hindi na niya kaya, kinausap niya ang lahat. Matapos niyang kausapin ang magulang at asawa ay si Raquel naman ang kinausap niya. “Raquel, anak, huwag mong papabayaan ang pag-aaral mo ha. Huwag mo ring papabayaan ang kapatid mo, kailangan mo siyang gabayan sa paglaki niya. Hmmp, akala ko makikilala ko pa ang maswerteng lalaki na magiging parte ng buhay ng prinsesa namin sa paglaki niya, kaso mukhang malabo na atang mangyari pa ‘yun. hehe” aniya sa hinang-hinang boses. “Mama naman eh, ano po bang pinagsasabi niyo? Matagal ka pa po naming makakasama. Maglalaro pa tayo nina papa at Blue ‘di po ba? Papa si Mama oh, kung anu-anong pinagsasabi”, sagot ni Raquel sa Mama niya habang pigil-pigil ang pag-iyak. “Bakit po ba kayo nag-iiyakan? Papa? Mama? Hayan pati tuloy sila naiiyak na. Malakas ka pa po Mama ‘di po ba?” dugtong pa nito. “Raquel, baka mapagod na ang Mama mo”, sambid ng lola nya na ngayon ay naiyak na rin. “Lola, malakas pa po si Mama. Bakit po ba kayo umiiyak? Mama sabihin mo nga po sa kanila na malakas ka pa. Mamaya lang po ay uuwi na po tayo. Lola, nagpapahinga lang po dito si Mama”, sunod-sunod na sagot ni Raquel. Lalong nag-iyakan ang lahat ng nandoon nang ganito ang sinabi ng bata. “Halika ka nga dito baby ko!” Utos ni Ayet na hinawakan pa ang kamay ni Raquel. “Anak, huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa iyo ha. Ang pag-aaral mo, ang kapatid mo”, dagdag pa nito na pinayapos sa kanya si Raquel. “Mahal na mahal kita anak, kayo nina Papa at baby Blue. Mahal na mahal ko kayo”, dagdag pa nito sa mas nanghihinang boses kumpara sa pagsasalita nito kanina. Hindi na napigil ni Raquel dito ang luha niya na tuloy-tuloy na ang agos sa kanyang pisngi. Mahigpit ang pagkakayakap ng mag-ina sa isa’t-isa ng unti unti ay lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ng kanyang ina at tuluyan ng bumagsak ang kamay nito sa kanyang hinihigaan. Naramdaman ito ni Raquel at dito ay tuluyan ng sumigaw ang bata. “Mama, wag mo po akong iwan. Mahal na mahal po kita Mama. Mama!”

Pagpasok ni Raquel muli sa paaralan ay nagsipag na ito ng nagsipag sa pag-aaral. Mula sa paaralan hanggang sa bahay ay hindi nawawala ang pag-aaral niya na minsan ng ikinakatakot ni Jake dahil hindi na nakakapaglaro ito kahit udyukan pa siya nito. Hindi rin pinapabayaan ni Raquel ang bunsong kapatid nitong si Blue. Dahil sa pagtutuon sa pag-aaral, nakatapos ng elementary at high school si Raquel na pinakamagaling sa buong klase nila.

Nasa kolehiyo na siya ngayon. Dalagang-dalaga na ang dating nito. Maputi at makinis ang balat, may taas na 5’4 ft, ang buhok nito ay may pagkakulot na bagay naman sa kanya. Mas gumanda ito ngayong dalaga na siya subalit hindi siya tulad na iba na sobrang nag-aayos ng sarili at maporma. Likas na maganda ito. Simple lang siya kung manamit ngunit kahit ganun ay marami pa ring nagtatangkang manligaw dito. Hindi rin naman kataka-taka iyon dahil bukod sa matalino at mabait, maganda at matulungin din ito, sobrang maaalalahanin sa pamilya at sobrang pinapahalagahan ang pag-aaral niya kaya wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon. At dahil dito, kahit gaano pa kadami ang manliligaw nito ay walang nakakapagpasagot dito. May mga napapalapit sa kanyang lalaki subalit hanggang kaibigan lang talaga ang mga ito para kay Raquel.

Taga San-Andres, Quezon sila at sa SLSU Lucban siya nag-aaral ng kolehiyo. Sa pagkakataong ito ay napahiwalay na siya sa kanyang pamilya. Dahil sa malayo ang tirahan ng mga ito ay kailangan niyang mangupahan sa Lucban. Sa paupahan ng mga lalaki at babae siya napunta. Pumasok siya sa kolehiyo ng inhenyera (College of Engineering) at dito, nakilala niya ang best friend niyang si Marvin. Katulad niya ay masipag din itong mag-aaaral pero hindi siya yung “nerd” na matatawag. Gwapo ito kaya hindi rin maiwaisan na gumagawa siya ng kalokohan pero hindi niya idinadamay ang best friend niyang si Raquel at sa halip ay siya pa ang taga-pagsaway sa mga nagtatangkang i-discourage si Raquel. Naihihiwalay niya ito nung una, hanggang sa maging barkada ni Raquel ang grupo ni Cherry. “Uy! Raquel! Kamusta ka na? Ang sipag-sipag mo naman. Hanggang ngayon ay gumagawa ka pa rin niyan”, ani Cherry kay Raquel na gumagawa ng takdang aralin. “Ano ba yan Raquel?” dagdag pa nito na tiningnan ng konti ang ginagawa ni Raquel. “Ahh! Takdang aralin namin ito”, sabi ni Raquel na may kasamang ngiti. “Ang sipag mo naman. Tara! Sama ka na muna sa amin para makapagrelax ka naman”, ani Cherry. “Ahh! Hindi pwede eh. May gagawin pa kasi ako pagkatapos nito. Pasensya na.”, pagtutol namang sagot ni Raquel. “Sige na Raquel, ngayon lang naman eh. I-regalo mo na lang sa akin ang pagsama mo, birthday ko kasi ngayon eh. Sige na, sumama ka na. Please!” pamimilit pa ni Cherry. “Eh kasi” sagot pa lang ni Raquel nang biglang nagsigawan ang barkada ni Cherry. “Sasama na! Sasama na! Sasama na!”. Dahil sa pangugulit nina Cherry ay sumama na rin si Raquel. Wala ang best friend nitong si Marvin kaya walang nakahadlang sa pangungulit na iyon nina Cherry kay Raquel.

Nagpunta sina Raquel sa isang bar at dito ay tinuruan siyang mag-inom ng bardada ni Cherry. Dito rin niya nakilala ang gwapong barkada ni Cherry na si Blaide.

Hindi lang isang beses nangyari ang pagsama ni Raquel sa mga lakad ng barkada ni Cherry at habang tumatagal ay wala nang nagagawa pa si Marvin para pigilan ang kaibigan. Nuong una ay kapag wala lang pasok gumigimik ang mga ito subalit hindi nagtagal ay gumigimik na rin sila kahit pa may pasok kinabukasan at dahil dito, naging boyfriend ni Raquel si Blaide. Simula nang maging sila ay lumipat na sa inuupahang bahay nina Raquel si Blaide na naging dahilan ng araw-araw na pagsasama ng dalawa

Sa tuwing pupunta si Marvin sa inuupahang bahay ng kaibigan ay laging wala ito at kasama sina Cherry at ang boyfriend nitong si Blaide. Kakausapin na dapat niya si Raquel tungkol sa napapabayaan na nito ang pag-aaral niya. May mga oras din naman na inaabutan niya ito sa tinutuluyan ngunit tulog naman ito at namamahinga kaya hindi na rin niya ito nakakausap. Walang magawa si Marvin para sa kaibigan. Alam niyang halos hindi na nakakapag-aral ito at laging puyat dahil sa gimikan. Halos hindi na rin sila nagkaka-jamming dahil sa tuwing magkakabakanteng oras sila ay laging kasama ni Raquel si Blaide.


Malapit na ang pagsusulit at halos tuloy-tuloy pa rin sa gimikan si Raquel. Alam ni Marvin na hindi nagrereview ang kaibigan kaya ginagawa niya ang lahat ng paraan para makausap ito subalit wala talagang nangyayari.

Hindi nagtagal at dumating na ang linggo ng pagsusulit. Kampante si Marvin sa sagot niya pero nag-aalala siya para kay Raquel.

Matapos ang linggong iyon, nakita na nila ang resulta ng exam nila. Matataas ang nakuha ni Marvin subalit hindi siya masaya dahil alam niyang mabababa ang nakuha ng kaibigan niyang si Raquel. Hinanap niya si Raquel at nakitang kasama ito ni Cherry at ng boyfriend nitong si Blaide. “Ayos lang `yan girl, isang exam pa lang naman `yan e!” sabi ni Cherry kay Raquel habang pinipispis ito. “Oo nga naman mine, `wag mong kadibdibin `yan. Tutal wala na rin naman tayong magagawa dyan e! Magpakasaya na lang tayo kesa isipin pa natin ‘yan”, sabi ni Blaide habang nakaakbay kay Raquel. Sa mga narinig na maling pag-uudyok kay Raquel ay tuluyan ng tinungo ni Marvin ang direksyon ng mga ito. Hinawakan nito sa kamay si Raquel, “Raquel, kailangan nating mag-usap” aniya. Nang tangka na nitong hilahin si Raquel ay hinampas ni Blaide ang nakahawak nitong kamay kay Raquel. “Bitawan mo nga ang girlfriend ko!” pautos na sabi ni Blaide. “Pare, ano bang problema mo?” sagot ni Marvin sabay tulak kay Blaide. “Ano ba? Itgil niyo nga `yan”, utos ni Raquel na pumagitna pa sa dalawa. “Raquel, kelangan nating mag-usap”, ani Marvin na hinawakan muli sa kamay ang kaibigan. Sa pagkakataong ito, sinuntok bigla ni Blaide si Marvin. Gumanti rin ng suntok dito si Marvin. Ilang suntok din ang pinakawalan ng dalawa sa isa’t-isa. Animoy dalawang magkalaban sa pelikula ang dalawa sa pag-aaway nilang iyon. Walang magawa si Raquel at Cherry sa pag-awat sa mga ito. Tuloy ang suntukan ng dalawa kahit magsisigaw pa si Raquel sa pag-awat. Ilang saglit pa at natumba na si Marvin. Dumugo ang nguso nito at pumasa agad ang pisngi. Ganun din naman ang natamo ni Blaide sa kanya. “Ano? Tumayo ka dyan! Hanggang dyan ka lang pala eh, Tayo!”, ani Blaide na animoy osong galit na galit. Dito lang muling nagkaroon ng pagkakataon para pumagitna sina Cherry at Raquel. Si Cherry kay Blaide at si Raquel kay Marvin. “Blaide ano ba? Kakausapin lang naman daw nya ako ah!” ani Raquel habang hawak-hawak si Marvin at nakatingin kay Blaide. “Mine, mas pipiliin mo `yang talunan na `yan kesa sa`kin?” ani Blaide habang pigil-pigil pa rin ni Cherry. Masamang impluwensya ka lang kay Raquel! Gusto mo lang mapariwara ang buhay niya! Makasarili ka! Sarili mo lang iniisip mo!” ani Marvin na hawak pa rin ni Raquel. Medyo natauhan si Raquel sa sinabi ng kaibigan. Akmang susugudin at susuntukin ni Blaide si Marvin ng biglang tumayo sa harap nito si Raquel para harangan ito patungo kay Marvin. “Tama na Blaide, kung susuntukin mo siya, suntukin mo na rin ako!” ani Raquel. “Mine, hindi ko akalaing mas gusto mo pala ang talunan na tulad ‘yan (dinuro si Marvin at may diin sa salitang talunan). Fine, bagay naman kayo eh, looser (may diin sa salitang looser). Magsama kayo!”, ani Blaide na gigil na gigil at tsaka lumayo na kasunod si Cherry. Tatayo na sana si Marvin para sugudin muli si Blaide subalit pinigilan siya ni Raquel, “Marvin ‘wag na. Please, tama na”, sambid nito habang nakatalikod parin kay Marvin. Tumulo na ang luha ni Raquel pagkaalis pa lang ni Blaide. Nang maramdaman niyang palapit sa kanya si Marvin ay pinahid niya agad ang mga luha niya. “Raquel”, ani Marvin sabay hawak sa balikat ng kaibigan. “Ayos ka lang ba? Nasugatan ka pa tuloy”, ani Raquel na hinawakan sa pisngi si Marvin kung saan nagkasugat ito. “Pagpasensyahan mo na si Blaide ha”, dagdag pa nito na pinipigil ang pag-iyak. “Wala akong pakialam kay Blaide o kung kanino man. Sa`yo ako may pakialam Raquel”, ani Marvin na hinawakan pa ang kamay ni Raquel na nakahawak sa pisngi nito. “Simula ng maging barakada mo sina Cherry at maging boyfriend mo `yang Blaide na ‘yan, napabayaan mo na ang pag-aaral mo. Nakalimutan mo na ba ang sabi sa`yo ng mama mo?” dagdag pa nito. “Si mama”, mas lalong natauhan na sabi ni Raquel. “Mama, patawad po mama, patawarin niyo po ako”, dagdag pa nito na tuluyan ng tumulo ang kanina pang pinipigil na luha. Sa pagkakataong ito ay niyakap na ni Marvin ang kaibigan. “Tutulungan kita Raquel, ‘wag kang mag-alala. Nandito lang ako”.

Matapos nito, nakipaghiwalay na si Raquel kay Blaide at tumiwalag na sya sa grupo ni Cherry. Dahil dito, lagi siyang pinaparinggan at sinisiraan ng mga ito pero andyan pa rin si Marvin. Lagi pa rin siyang ipinagtatanggol at tinutulungan para makahabol sa mga aralin na hindi niya gaanong naintindihan nung nasa barkadahan pa siya ni Cherry. Mahal na ni Marvin si Raquel pero isinasantabi muna niya ang nararamdaman para dito para makapagfocus muna sila pareho sa pag-aaral nila at dahil na rin ayaw na niyang magkaroon pa ng iba pang isipin si Raquel bukod sa pag-aaral at pamilya niya. Handa siyang mag-intay kahit gaano pa katagal. Sa ngayon ay ayaw muna niyang may makakasagabal sa pagtupad ni Raquel sa pangarap nito.

Lumipat na rin siya sa paupahan na puro babae lamang. Nang medyo nakakahabol na ulit siya ay binisita siya ni Jake at ni Blue. Walang alam ang mga ito sa nangyari at napagdesisyunan nina Raquel at Marvin na huwag na lamang ipaalam ang nangyaring iyon para hindi na mag-alala pa ang mga ito. Nagbonding ang buong pamilya na kasama si Marvin at nagpunta sila sa Groto para na rin ipagdasal ang Mama Ayet ni Raquel at ganun na rin ang pagdating ni Marvin sa buhay niya.


W A K A S